GUN FOR HIRE BULAGTA SA BUY-BUST

BATANGAS – Patay ang isang miyembro ng gun for hire group na umano ay isang ring tulak ng ilegal na droga, makaraang makipagbarilan sa buy-bust operation ng mga pulis sa bayan ng San Juan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi,

Kinilala ng San Juan Police ang napatay na si Carding Mendoza, miyembro ng Michael Florendo gun for hire group na nag-o-operate sa 4th district ng Batangas at mga karatig probinsya ng Quezon at Laguna.

Ayon sa pulisya, nasa watchlist din ng Directorate for Intelligence (DI) ng PNP ang nasabing suspek.

Batay sa report ng San Juan Police, nanlaban ang suspek nang makatunog na mga operatiba ang katransaksyon na ikinamatay nito dakong alas-11:00 ng gabi.

Nakuha sa suspek ang .35 kalibreng baril at tatlong sachet ng shabu na tinatayang P8,000 ang street value. (NILOU DEL CARMEN)

87

Related posts

Leave a Comment