HOTEL STAFF INAMBUSH SA TULAY, PATAY

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa pagkamatay ng isang 25-anyos na hotel staff matapos tambangan ng ‘di kilalang suspek habang minamaneho ng kanyang sasakyan sa bayan ng Indang sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Angelo Manlalo y Paragas, binata, ng Brgy. Lumampong Balagbag Indang, Cavite.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspek o mga suspek na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa ulat ni Police Chief Master Sergeant Houdini Cuevas ng Indang Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang silver na Toyota Rush na may plakang DAQ 805, at binabagtas ang kahabaan ng Brgy. Lumampong Balagbag, Indang, Cavite patungo sa east direction dakong alas-2:50 ng hapon.

Ngunit pagsapit sa tulay ng Magabi ay pinagbabaril ito ng ‘di kilalang suspek na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Ayon naman kay Police Major Edward Cantano, chief of police ng Indang Municipal Police Station, dalawang bala ng caliber 9mm ang tumagos sa katawan ng biktima, gayunman limang slug ang narekober sa crime scene.

Sinabi pa ni Cantano, may nakabinbing kasong estafa noong 2019 ang biktima, at ito ang tinitingnang anggulo na posibleng may kinalaman sa pagpatay. (SIGFRED ADSUARA)

164

Related posts

Leave a Comment