RED-TAGGING FLYERS NG AFP PWEDENG MAUWI SA ARBITRARY LABELING – CHR

NAGPAHAYAG ng labis na pag-aalala ang Commission on Human Rights (CHR) sa ulat na namahagi ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng “red-tagging pamphlets” sa mga estudyante sa kamakailan lamang na seminar na idinaos sa Taytay Senior High School sa Rizal.

“The pamphlets seemed to point out that the recruiters of the Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) “could be found at protests” and are “teaching people to despise government,” ayon sa CHR.

Sa isang kalatas, sinabi ng CHR na ang pamamahagi ng pamphlets ay labis na nakapagpa-aalala sa kanila dahil maaari itong mauwi sa “arbitrary labeling.”

Tinuran pa ng CHR na ang distribusyon ng pamplets ay nakapagbigay ng maling mensahe ukol sa pagra-rally lalo pa’t ang mga protesta at mapayapang pagtutol ay “fundamental human rights.”

Tinukoy ng CHR ang Article III, Section 4 ng 1987 Philippine Constitution, na nagsaad na “no law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.”

Ang Kabataan Party-list ang nag-ulat na ang pamphlet ay ipinamahagi ng mga miyembro ng AFP’s 80th Infantry Battalion (IB).

Ang pamphlets, tinawag ng party-list bilang “brainwashing pamphlets,” naglalaman ng drawings ng mga estudyante na nakasuot ng pulang shirts kung saan sinisisi ang lahat ng masama sa gobyerno at makikita sa mga rally.

Tinanggap naman ng CHR ang naging tugon sa pamphlet distribution na ginawa ng National Security Council (NSC) na hayagang pinabulaanan ang alegasyon at sinabing ipinababatid lamang sa mga estudyante ang tungkol sa ‘indicators’ na sila ay nirerecruit ng communist rebel group organizers. (CHRISTIAN DALE)

213

Related posts

Leave a Comment