(JOEL O. AMONGO)
HINIKAYAT ni House labor and employment committee Chair Fidel Nograles ang gobyerno na gamitin ang kapabilidad para masiguro ang kapakanan, ligtas, maayos at makatarungang mga lugar ng trabaho para sa manggagawang Pilipino.
“We must work so that the Labor Inspection Convention No. 81 is not a mere piece of paper, but one that the government can actually enforce for the welfare of Filipinos,” anang mambabatas ng 4th district of Rizal.
Kamakailan, ang Philippine delegation ay nagpresenta ng ratification instrument ng Labor Inspection Convention No. 81 kay ILO Director-General Gilbert Houngbo sa ILO Headquarters, Geneva.
Ang convention ay nagtatag ng mga pandaigdigang pamantayan para sa isang komprehensibong balangkas ng inspeksyon sa paggawa.
Binigyan-diin pa ni Nograles ang pangangailangan para sa Department of Labor and Employment upang dagdagan ang mga pagsisikap nitong mapabuti ang mga serbisyo sa labor inspection.
Aniya pa, bukod sa pagpapatupad ng mga batas sa paggawa, ang isang epektibong sistema ng inspeksyon sa workplace ay nagsisilbi rin bilang katuwang ng mga kumpanya upang itama at bumuo ng mas mahusay na mga kasanayan sa trabaho.
“Our labor inspectors are not only enforcers, but also advisers providing guidance and technical expertise to organizations so that they may root out malpractices and other abusive conditions,” ani Nograles.
161