Pagpapatawag kay Baste Nag-backfire? Prosekusyon Natameme sa Ilang Tanong

PUNA ni JOEL O. AMONGO MAY mga pagkakataong ang isang testigo ay ipinatatawag upang magdagdag ng bigat sa isang kaso. Ngunit may pagkakataon ding ang mismong testigong inaasahang magpapabigat sa panig ng prosekusyon ang nagbubukas ng panibagong mga tanong. Ganito ang naging eksena nang humarap sa impeachment court si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte bilang hostile witness laban sa kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte. Mula pa lamang sa deklarasyon na hostile witness si Baste, malinaw nang magiging kakaiba ang takbo ng pagtatanong. Pinayagan ang prosekusyon na…

Read More

UMAASA NG MEDALYA, PERO SA SUPORTA NGANGA

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN GUSTO natin ng medalya. Gusto natin ng panalo. Kapag may atletang kumakatawan sa bansa, gusto natin silang lumaban nang buong lakas at umuwi na may dalang karangalan. Pero bago natin tanungin kung bakit hindi sila nanalo, baka kailangan muna nating itanong kung nabigyan ba natin sila ng sapat na suporta para makalaban nang maayos. Ito ang dahilan kung bakit nakababahala ang ibinahagi ni Alas Pilipinas Men captain Bryan Bagunas tungkol sa kanilang kalagayan bago at habang lumalahok sa 2026 Asian Games. Ayon kay Bagunas,…

Read More

Pangakong Napako… BAYAN, HANGGANG KAILAN MAGTITIIS SA MABAGAL NA INTERNET?

TAMBULI ni JESSE RUIZ SANA hindi ningas-kugon ang National Telecommunications Commission (NTC) sa kanilang aksyon laban sa tatlong telcos na nagkakamal ng bilyon-bilyong kita sa kanilang mabagal na internet service. At sana magbunga rin ito ng kapaki-pakinabang para naman sa sambayanang Pinoy dahil sa kabila ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at ang patuloy na pagtaas ng singil sa mga serbisyo, nananatiling usad-pagong ang mobile broadband sa bansa. Mga kapatid, muli itong pinatunayan ng pinakabagong speed test revalidation ng National Telecommunications Commission (NTC) ngayong Setyembre 2026. Para silang mga manhid…

Read More

BISTADO: AMBULANSYA GAMIT SA PAGBIYAHE NG SMUGGLED YOSI

NABISTO ang lumang modus sa pagpupuslit ng kontrabando matapos masabat ng mga awtoridad ang isang ambulansiya na may kargang mahigit P1 milyon halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes sa checkpoint sa Kapatagan, Lanao del Norte, kamakalawa ng madaling araw. Pinahinto ng mga tauhan ng PNP 2nd Provincial Mobile Force Company ang isang Toyota Hiace emergency patient transport vehicle sa Purok 1, Barangay Bansarvil 1 habang bumibiyahe mula Sultan Naga Dimaporo patungong Kapatagan. Ayon sa Police Regional Office-10, napansin ng mga pulis na walang blinker at sirena ang sasakyan kaya isinailalim ito…

Read More

POSIBLENG ELECTORAL SABOTAGE SA BASILAN SINISILIP NG COMELEC

SINISILIP ng Commission on Elections (COMELEC) ang posibleng electoral sabotage sa Maluso, Basilan matapos mabuking ang pre-shading at pag-tamper sa mga balota para sa BARMM parliamentary elections. Aabot sa 36 na presinto ang apektado, na may kabuuang 16,543 balota, ang sangkot sa insidente. Dahil dito, agad na pinahinto ng COMELEC ang distribusyon ng mga apektadong balota at nagpa-reprint ng bago para maipagpatuloy ang halalan. Pero hindi roon natapos ang aksyon ng komisyon. Naglabas na ng subpoena ang COMELEC laban sa ilang opisyal — kabilang ang Provincial Election Supervisor, Election Officer…

Read More

FAKE! SULAT NA PIRMADO NI GIBO, ‘MADE IN CHINA’ — AFP

INIHAYAG ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may mga indikasyong China ang nasa likod ng kumakalat na pekeng liham na umano’y pirmado ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tinitingnan ng militar ang mga indikasyon sa likod ng naturang dokumento. “Sa military, we look at indicators and indicators will point na ito ay galaw ng Chinese Communist Party or yung kanilang mga galamay na minsan may kasamang Pilipino doon,” pahayag ni Trinidad sa virtual…

Read More

TINANGAY NA SEDAN SA QC NATUNTON SA MAYNILA

NABAWI ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang Honda sedan na iniulat na ninakaw matapos itong matunton sa Roxas Boulevard, Malate, Maynila, madaling araw ng Setyembre 28, 2026. Ayon sa QCPD, kinuha umano ng driver ng may-ari na nakilalang “Rod” ang sasakyan nang walang pahintulot bandang alas-10 ng gabi noong Setyembre 24 mula sa parking area ng MPlace Tower B sa Mother Ignacia, Quezon City. Matapos ang beripikasyon at pagtunton ng District Anti-Carnapping Unit (DACU), natagpuan ang sasakyan na nakaparada sa Malate. Dinala ito sa tanggapan ng DACU para…

Read More

TAGUIG PINALALAKAS ANG SCHOLARSHIP PROGRAM KASABAY NG PAGPAPALAWAK NG AYUDA SA TERTIARY EDUCATION

PATULOY na pinalalakas ng Taguig City ang scholarship program nito para sa mga estudyanteng kumukuha ng post-secondary education, kasabay ng pagpapalawak ng tulong-pinansyal ng pamahalaan para sa tertiary education. Ito ay kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Republic Act No. 12325 noong Setyembre 4, na nag-amyenda sa Republic Act No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Sa ilalim ng RA 12325, pinalawak ang saklaw ng Tertiary Education Subsidy at nadagdagan ang mga gastusing pang-edukasyon na maaaring sagutin ng pamahalaan. Kabilang din sa mga…

Read More

CAYETANO: EKONOMIYA, PAMILYA DAPAT TUTUKAN SA GITNA NG MGA PROBLEMA

SA HALIP na malunod sa mga kontrobersiya, dapat manatiling nakatuon ang pamahalaan sa mga problemang direktang nararamdaman ng mga Pilipino, gaya ng mataas na presyo, trabaho at kapakanan ng pamilya, ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano. Sa kanyang Facebook livestream nitong Martes, Setyembre 29, sinabi ni Cayetano na sunod-sunod ang mga problemang kinakaharap ng bansa, mula sa pagtaas ng presyo ng gasolina at inflation hanggang sa kawalan ng trabaho, impeachment proceedings, kontrobersiya sa flood control at mga usapin sa peace and order. “Alam ko po na sa taas…

Read More