CAVITE – Inaresto ang isang retiradong miyembro ng Philippine Navy (PN) dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.
Kinilala ang naaresto na si Benito Gomez y Enguanzo, 58, isang retiradong miyembro ng PN at residente ng Brgy. Kabulusan, Magallanes, Cavite.
Sa ulat ng Magallanes Police, nakatanggap sila ng tawag hinggil sa umano’y pagpapaputok ng baril ni Gomez dahilan upang magresponde ang mga awtoridad at naaktuhan itong hawak ang isang kalibre .45 na baril na nagresulta sa pagkakadakip nito.
Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre .45 na baril na nakapangalan sa kanya, tatlong magazine, 15 na bala at 14 piraso na basyo nito. (SIGFRED ADSUARA)
