RIDER TUMAKAS SA CHECKPOINT, TODAS SA AKSIDENTE

DAHIL sa pagmamadaling makalayo sa checkpoint, kamatayan ang sinapit ng isang rider matapos sumalpok ang motorsiklo nito sa sinusundang tricycle sa Cabuyao City, Laguna.

Kinilala ng Cabuyao City police ang nasawi na si Ryan Dimaculangan, 26-anyos, isang machinist.

Batay sa report ng pulisya, nangyari ang aksidente sa Barangay Mamatid, dakong alas-11:30 ng gabi sa hindi kalayuan sa quarantine checkpoint na minamando ng mga barangay tanod.

Hindi umano huminto sa checkpoint ang biktima at sa halip ay pinaharurot ang motorsiklo dahilan para bumangga ito sa likod ng tricycle.

Napag-alaman na nakainom umano ng alak ang biktima kaya umiwas ito sa quarantine control point. NILOU DEL CARMEN

185

Related posts

Leave a Comment