RODRIGUEZ NG A-TEACHER PARTY-LIST BINIGYANG PAGKILALA NG PMPC

PAGKAKALOOBAN ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ng special citation award si Virginia Rodriguez bilang “philanthropist of the year” bunsod ng kanyang adbokasiya at mga hakbang na positibong nakatutulong sa komunidad.

Gaganapin ang special award ceremony sa darating na March 23 sa Dolphy Theater sa ABS-CBN Broadcasting Center Compound kasabay ng pagdiriwang ng 38th Star Awards for Television.

Ito ay sa pangunguna ni PMPC President Mell T. Navarro at Rodel Fernando na siyang PMPC Overall Chairman ng PMPC Star Awards for Television.

Kinilala ng PMPC ang kontribusyon ni Rodriguez sa pagpapahusay ng sektor ng agrikultura at edukasyon sa bansa at sa paglulunsad ng mga proyekto at programa na nakasentro sa pagtulong sa mahihirap na magsasaka at sa mga bata. Si Rodriguez ang author ng librong “Leave Nobody Hungry” na kauna-unahang agricultural book na isinulat sa panahon ng Marcos administration.

Bukod sa kanyang mga kontribusyon at mga tagumpay sa larangan ng agrikultura, at imprastraktura, nagsisilbi rin syang inspirasyon sa mga pamilyang Pilipino bunsod ng kanyang dedikasyon sa pagseserbisyo.

Si Rodriguez ay anak ng yumaong Transportation secretary “Ping” Fernandez sa administrasyon ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Ang kanya namang lolo na si dating Senator Estanislao Fernandez ay nagsilbi bilang ika-88 Associate Justice Secretary ng Korte Suprema noong 1973. Naging miyembro rin ng media si Rodriguez.

Bilang dating reporter ng Manila Bulletin, nakapagsulat siya ng hindi mabilang na Agriculture-related press releases, social media, company literature, editorial calendars, articles, announcements at media kits.

27

Related posts

Leave a Comment