PNP NAGHAHANDA SA PAGBUHOS NG EMOSYON SA HATOL SA IMPEACHMENT

PINAGHAHANDAAN na ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng pagbuhos ng emosyon ng publiko sa mga lansangan anuman ang maging hatol ng impeachment court sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang tiniyak ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Lunes, Nobyembre 23, kasabay ng pagsasabing isinasaalang-alang ng pamahalaan ang lahat ng posibleng senaryo kaugnay ng magiging desisyon ng Senado.

Ayon kay Remulla, maaaring maging emosyonal ang magiging reaksyon ng mga tagasuporta ng magkabilang panig, kaya mahalagang nakahanda ang pulisya upang mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang anumang kaguluhan.

“I think the Filipino people have reached their verdict. Alam na nila kung ano ang totoo at hindi,” pahayag ng kalihim.

“We always expect the worst. Wala namang expect na best dito sa PNP. We always anticipate, we always prepare,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Remulla na maaaring tumaas ang tensiyon sa magkabilang panig habang hinihintay ang magiging hatol sa impeachment trial.

Dahil dito, pinaalalahanan niya ang mga pulis na manatiling propesyonal at unahin ang kaligtasan ng publiko, lalo na sa mga sensitibong kaganapang pampulitika.

Nang tanungin kung anong mga posibleng sitwasyon ang pinaghahandaan ng pamahalaan, sinabi ni Remulla na lahat ng posibilidad ay kanilang isinasaalang-alang.

(JESSE RUIZ)

21

Related posts

Leave a Comment