KUMPIYANSA si Senator-Judge Panfilo “Ping” Lacson na matatapos ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio bago ang December break ng Senado.
Ayon kay Lacson, nasa tamang takbo ang paglilitis dahil sa maayos at disiplinadong pangangasiwa ni Impeachment Court Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero, gayundin sa pahayag ng defense panel na tatlo hanggang apat na testigo na lamang ang kailangan nitong iharap.
Gayunman, sinabi ni Lacson na posible lamang itong maisakatuparan kung walang hindi inaasahang pangyayari na makaaapekto sa iskedyul ng paglilitis.
Inaasahang magpapatuloy ang impeachment trial sa Disyembre 1 at posibleng magkaroon na ng hatol ang impeachment court bago ang adjournment ng sesyon ng Senado.
Una nang sinabi ni Senate President Win Gatchalian na may consensus sa mga senador na huwag nang patagalin ang impeachment trial at tapusin ito ngayong Disyembre upang makapagpatuloy na ang lahat sa kanilang mga gawain at maging maayos ang pagsisimula ng 2027.
(DANG SAMSON-GARCIA)
20 