TINIYAK ni Chief Justice Rodil Zalameda na hindi pababayaan ng Korte Suprema ang kaligtasan at kalayaan ng lahat ng mga huwes at kawani ng hudikatura sa buong bansa
Kasunod ito ng pagpaslang kamakailan kay Isabela City, Basilan Regional Trial Court Branch 2 Presiding Judge Joseph Wee Sit.
Sa kanyang kauna-unahang flag-raising ceremony bilang Punong Mahistrado, pinangunahan ni Zalameda ang isang ‘moment of silence’ at panalangin para kay Judge Wee Sit at sa kanyang naulilang pamilya.
Masakit umanong paalala ang sinapit ni Judge Wee Sit sa mga totoong panganib na kinahaharap ng mga nagtatrabaho sa korte.
Pero iginiit ng Punong Mahistrado na mas matibay pa rin sa kanilang pagdadalamhati at galit ang kanilang paninindigan na walang anomang banta ang makapagpapatahimik sa paghahanap ng katarungan.
Direkta ring nagpaabot ng mensahe si Zalameda sa mga huwes at court personnel, na nangakong gagawin ng Kataas-taasang Hukuman ang lahat upang matiyak ang kanilang seguridad at mapangalagaan ang kanilang judicial independence.
(JULIET PACOT)
22 