Sa kanyang 100 days in office ‘THE BEST AND THE BRIGHTEST’ NAPAGSAMA-SAMA NI PBBM

NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matagumpay niyang napagsama-sama ang “functional government” na kinabibilangan ng “best and the brightest Cabinet members” sa kanyang first 100 days sa tanggapan.

“I think what we have managed to do in the first 100 days is put together a government that is functional and which has a very, very good idea of what we are targeting in terms of strict economic targets for example, in terms of the numbers of growth, the numbers of our different measures, the different metrics that we are using for the economy,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang press conference sa idinaos na President’s Night na inorganisa ng Manila Overseas Press Club sa Sofitel Philippine Plaza sa Pasay City, araw ng Miyerkoles.

Labis namang nagpapasalamat si Pangulong Marcos sa mga miyembro ng kanyang gabinete partikular na sa kanyang economic managers, para sa kanilang pagsisikap na isaayos ang mga plano sa pagpihit a post-pandemic economy.

“I think all of those at least in the higher positions in government and even slowly it’s filtering down to the rank and file are beginning to feel that there is a point to government, there is something that we need to be doing,” aniya pa rin.

Sinabi ni Pangulong Marcos, ang kanyang unang 50 hanggang 100 araw sa gobyerno ay nakatuon “of putting out fires”.

Tinukoy niya ang iba’t ibang problema sa agriculture sector gaya ng asukal at fertilizer supply.

Sa ngayon, prayoridad ng administrasyong Marcos na siguraduhin ang food sufficiency at post-pandemic growth.

Sa kamakailan lamang na state visit ng Pangulo sa Indonesia at Singapore, itinaguyod niya ang agricultural cooperation at hinikayat ang trade investment sa key sectors.

Inilarawan niya ang kamakailan niyang engagements sa ibang bansa bilang “coming out party” para sa Pilipinas.

Nakatakda namang opisyal na magmarka ang first 100 days ng administrasyong Marcos sa Oktubre 8.

Pinuri ng Kamara

Pawang papuri naman mula sa liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Marcos Jr. sa kanyang unang 100 araw.

“I think the President has done great things in the government, particularly in his Cabinet. And his policies are very clear,” ani House Speaker Martin Romualdez.

Naniniwala ang lider ng Kamara na madaling makarekober ang bansa mula sa epekto ng pandemya dahil ito ang unang tinutukan ng Pangulo sa kanyang unang 100 araw sa Malacanang.

Malaking tulong din aniya ang US$14.36 Billion na nakuhang ‘investment pledges’ ni Marcos sa kanyang state visit sa Indonesia, Singapore at United States (US).

“So we’re looking for a swift recovery despite all of the pressures and the global economic (downturn), so we’re very excited for his administration,” dagdag pa ni Romualdez.

Sinabi naman ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang nauwing investment pledges ni Marcos ay mangangahulugan ng karagdagang 134,000 sa kanyang unang 100 araw.

Hinangaan naman ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo si Marcos sa pagiging kalmado nito at pagbabalik ng kumpiyansa sa Pilipinas.

Bagsak na Grado

Subalit kung ang Makabayan bloc sa Kamara ang tatanungin, hindi na-impress ang mga ito sa trabaho ni Marcos kaya binigyan nila ito ng ‘failing grade”.

“Sa totoo lang parang may pagka-deja vu ang Marcos Jr. administration sa nakaraang administrasyon ni Duterte. Napakaraming pinangako pero wala pa ding natutupad, isa na dito ang dapat na pagtataas ng sahod ng mga guro,” ani ACT party-list Rep. France Castro.

Marami aniyang nangyaring hindi maganda sa unang 100 araw ni Marcos at pinakahuli rito ang paglobo ng inflation rate sa 6.9%, patuloy na red tagging, patayan at iba pang kontrobersya sa kanyang administrasyon. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

159

Related posts

Leave a Comment