Sa pagdami ng biyahe DOBLENG INGAT PAYO SA PUBLIKO

PINAYUHAN ni Senador Grace Poe ang publiko na doblehin pa ang pag-iingat ngayong mas marami nang pampublikong sasakyan ang pinapayagan sa kalsada.

Iginiit ni Poe na dapat matiyak na nasusunod ang minimum health protocols sa public transportation upang maiwasan ang pagkalat pa ng COVID 19.

“Habang nadadagdagan ang mga pampublikong sasakyan sa kalsada, kailangang doblehin din ang pag-iingat para hindi mahawa at makahawa ng COVID-19,” diin ni Poe.

Bukod sa palagiang pagsusuot ng face mask, face shield at pagsunod sa physical distancing ng mga pasahero at driver, dapat namang tiyakin ng mga operator at mga awtoridad na palagiang nadi-disinfect ang mga sasakyan at mga istasyon.

Simula bukas (Sept. 30), bubuksan na ang ilang ruta ng bus mula Metro Manila patungong Regions 3 at 4-A.

Binigyang-diin ni Poe na malaking tulong ang mga provincial bus sa movement ng mga tao at produkto mula Metro Manila at sa mga karatig lalawigan.

Nanawagan din si Poe sa mga awtoridad na tiyaking namomonitor ang pagsunod sa social distancing at siguraduhin ang maayos at ontime na bus dispatch upang maiwasan ang pagsisiksikan sa mga terminal.

“Our workers are the driving force of the economy. If they will have difficulty in mobility, then the economy will also find it hard to get going,” diin ni Poe. (DANG SAMSON-GARCIA)

116

Related posts

Leave a Comment