Sa petisyon sa kontrobersyal na 2025 budget OSG HUMIRIT NG DAGDAG NA PANAHON SA SC

(JULIET PACOT)

HUMIRIT kahapon ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na bigyan ito ng mas mahabang panahon para makatugon sa petisyong inihain laban sa 2025 General Appropriations Act (GAA).

Nauna rito, nagsampa si dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez kasama ang iba pa ng petisyon sa high tribunal na kumukuwestiyon sa legalidad ng national budget dahil na rin sa ilang kontrobersya tulad ng hindi paglalaan ng subsidiya sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), pagprayoridad sa infrastructure sa halip na edukasyon, atbp.

Binigyan naman ng Korte Suprema ang OSG ng sampung araw para sumagot sa naturang petisyon.

Sinabi ng OSG na bagaman natapos na ang draft ng kanilang kasagutan, kailangan muna nitong sumailalim sa ilang revision at correction bago ito tuluyang maihain sa SC.

Kasamang isasalang sa oral arguments sa Baguio Session Hall sa darating na Abril ang petisyon ni Atty. Rodriguez kabilang ang iba pang isyu.

45

Related posts

Leave a Comment