KATHRYN: ‘MEDYO PRIVATE KAMI AS A COUPLE!’

Malaki ang pasasalamat ni Kathryn Bernardo sa lahat ng tagahanga at netizens na nag-subscribe na sa kanyang sariling YouTube channel na ‘Everyday Kath.’ Kahit dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas nang simulan ng aktres ang naturang channel ay mayroon na itong mahigit isang milyong subscribers. Nakatanggap na rin  ng ‘Silver Play Button’ o parangal mula sa pamunuan ng YouTube si Kathryn. “Oo nga eh, kinikilig nga ako eh. Kasi siyempre sobrang baguhan ako sa mundo na ‘yan,” nakangiting bungad ni Kathryn.

Ayon sa aktres ay talagang naisipan niyang magkaroon ng sariling YouTube channel upang ipakita sa mga tagahanga ang mga ginagawang hindi napapanood sa telebisyon at pelikula. Sa ‘Everyday Kath’ din umano maipakikita ni Kathryn kung ano ang mga ginagawa nila behind the scenes ng kasintahang si Daniel Padilla. “Para sa amin ‘yon ni DJ kasi parang first time namin na naging gano’n ka-open (sa publiko), open naman dati pero alam mo ‘yon medyo private kami as a couple. Shini-share namin sa kanila kung paano ang mga artista off cam. So natutuwa naman sila, so marami pang medyo personal (kaming ipapakita),” paliwanag ng dalaga.

Kahit abala sa kabi-kabilang proyekto ay sobrang tutok din ni Kathryn sa content at mismong editing ng kanyang video blogs. “Very hands on kami from editing to anything, very light lang. Parang pampa-good mood lang namin,” pagtatapos niya.

With reports from J.C.C.   (BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

67

Related posts

Leave a Comment