SIGALOT SA MULTINATIONAL VILLAGE TINULDUKAN NG DHSUD

IPINAKITA nina Multinational Village Homeowners Association Inc. (MNVHAI) President Arnel Gacutan at Treasurer Editha Qwaider ang Writ of Execution mula sa DHSUD na nag-uutos sa kabilang kampo na isurender sa grupo ng una ang lahat ng mga dokumento ng asosasyon. (DANNY BACOLOD)

TINAPOS na ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) ang sigalot sa pagitan ng dalawang nagbabanggaan na grupo ng Multinational Village Homeowners Association Inc (MVHSI).

Ito ay matapos magpalabas ang DHSUD ng Writ of Execution na nag-uutos sa kampo ni Julio Templonuevo na ipagkaloob na sa grupo ni Arnel Gacutan ang lahat ng mga dokumento ng asosasyon, records ng pondo, properties office at iba pang assets ng asosasyon.

Batay sa nilagdaang Writ of Execution ni Atty. Norman Jacinto Doral and OIC-Regional Director ng DHSUD, inutos nito kay Santiago Undecimo, Jr. ang Enforcement Officer ng DHSUD-NCR na ipatupad ang kanyang kautusan.

Dahil dito, tanging grupo ni Gacutan ang kinikilalang legal na pamunuan ng DHSUD para sa MVHSI at hindi ang grupo ni Templonuevo.

Samantala, maging sa desisyon ng Korte Suprema ay maliwanag na hindi nito kinikilala ang grupo ni Templonuevo na patunay ng legalidad ng grupo ni Gacutan.

Maging ang pamunuan ng Banco De Oro (BDO) ay pansamantalang pinahinto ang lahat ng check withdrawal at encashment ng MVHSI sa bangko.

Inaasahan namang ihahain na ni Undecimo, Jr. ang kautusan ng DHSUD. (DANNY BACOLOD)

476

Related posts

Leave a Comment