BAGONG LAYA TINODAS SA BATANGAS

BATANGAS – Patay ang isang lalaking kalalaya pa lamang mula sa kulungan, makaraang pagbabarilin habang pauwi sa kanilang bahay habang sakay ng pampasaherong tricycle sa Brgy. Antipolo del Norte, Lipa City, dakong alas-5:00 ng hapon noong Miyerkoles.

Ayon sa report ng Lipa City Police, kasama ng 29-anyos na biktima na si Marvin Lasi Gerez, ang kanyang nanay, galing Lipa City at pauwi sa kanilang bahay sa Brgy. Banay-Banay, Padre Garcia, Batangas nang pagbabarilin ito ng riding in tandem gunmen sa harap ng isang gas station.

Sa kuha naman ng CCTV ng isang katapat na establisyemento, nakita na nasa likuran ng tricycle ang motorsiklo ng mga suspek at sunod-sunod na pinaputukan ang biktima na nakasakay sa sidecar ng tricycle.

Nahinto naman ng driver ang tricycle sa harap ng gasolinahan at nakatakbo ito kasama ang nanay ng biktima na naka-backride sa driver seat.

Pero habang patuloy na pinuputukan ng riding in tandem ang tricycle, isang puting van ang huminto at bumababa sa kaliwang passenger seat ang isang lalaking nakasuot ng itim na hoodie jacket at tumulong sa pamamaril.

Magkasunod na umalis ang van at ang motorsiklo matapos ang krimen.

Dead on the spot naman ang biktima na nalagutan ng hininga sa pagkakaupo sa loob ng tricycle.

Napag-alaman na ang biktima ay nakulong nitong nakaraang buwan at nakalaya ilang araw na ang nakararaan matapos na maareglo ang kaso.

Hindi naman tinukoy ng pulisya kung ano ang kaso ng biktima na naging dahilan ng pagkakulong nito. (NILOU DEL CARMEN)

219

Related posts

Leave a Comment