SMUGGLED CARROTS, LUYA TIMBOG SA BOC JOINT OPS

SA kabila ng mas pinaigting na kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa agri-smuggling, patuloy pa rin ang paglaganap ng mga puslit na gulay sa merkado – patunay nito ang resulta ng pinakahuling operasyon ng kawanihan kung saan hagip ang bulto-bultong carrots at luyang lantarang ibinebenta sa lungsod ng Maynila.

Sa pinagsanib na operasyong inilunsad ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS) ng BOC-Manila International Container Port (BOC-MICP), Department of Agriculture, Bureau of Plant Industry, Department of Trade and Industry, Criminal Investigation and Detection Group, National Intelligence Coordinating

Agency, at ang Economic Intelligence Sub Task Group on Food Security, kumpis­kado ang nasa 100 kilo ng imported carrots at luyang ibinebenta sa kahabaan ng Claro M. Recto Ave., Divisoria
at Tondo, Maynila.
Sa kalatas ng kawanihan, lumalabas na isang timbre ng impormante sa BOC Intelligence Group ang nagtulak na magsagawa ng biglaang pagsalakay sa mga naturang bahagi ng lungsod kung saan
diumano hayagan ang pagbebenta ng mga ipinuslit na gulay mula sa bansang Tsina.

Pagdating sa target na lugar, timbog agad ang nasa 100 kilo ng imported carrots na nakatakda na umanong dalhin sa iba’t ibang pamilihan
sa Maynila.

Dito na sinamsam ng mga operatiba ang mga kalakal na mabilis na hinakot at dinala sa tanggapan ng kawanihan para sa angkop na imbentaryo at pagsusuri.

Bukod sa Maynila, patuloy rin ang monitoring sa iba’t ibang pamilihang bayan sa National Capital Region, kabilang ang Balintawak Public Market sa Quezon City kung saan diumano ibina­bagsak ang mga mura subalit hindi ligtas na agri-products mula sa Tsina.

Nahaharap naman sa kasong paglabag ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) ang mga may-ari ng kumpis­kadong carrots at luya sa Maynila. (JO CALIM)

268

Related posts

Leave a Comment