TINIYAK ni Senate President Alan Peter Cayetano na maaaring magsilbi o maghain ng warrant of arrest laban sa sinoman basta ito ay nagmula sa korte sa Pilipinas.
Ayon kay Cayetano, kailangang sundin ang tamang proseso at hindi maaaring basta na lamang magtungo sa Senado upang maghain ng warrant of arrest.
Sa ngayon, sinabi ni Cayetano na ginagamit pa ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang lahat ng legal remedies bago magpasya kung paano nito haharapin ang warrant laban sa kanya.
Matatandaang inihayag ng National Bureau of Investigation na mayroon itong hawak na warrant of arrest laban kay Dela Rosa mula sa International Criminal Court, bagay na hindi kinikilala ng senador.
Inamin din ni Cayetano na sa oras na maubos na ni Dela Rosa ang lahat ng legal remedies ay kakausapin niya ito at papayuhan upang tuluyang maresolba ang usapin.
Sa kasalukuyan, nasa preventive custody ng Senado si Dela Rosa matapos pagtibayin ito sa ilalim ng liderato ni Cayetano.
Nanatili pa rin sa loob ng Senado si Dela Rosa at dito na rin nagpapalipas ng gabi kasama si Senador Robinhood Padilla.
72 