CLARKSON PANALO SA DEBUT GAME SA UTAH

(NI LOUIS AQUINO)

NAKABUTI para sa may dugong Pinoy na si Jordan Clarkson ang pag-trade sa kanya ng Cleveland sa Utah makaraang magwagi ang Jazz kontra Portland, 121-115, Biyernes (Disyembre 27, Philippine time).

Nanguna para sa Jazz si Donovan Mitchell na umukit ng 35 points sa panalo ng koponan laban sa Trail Blazers.

Nagtulong sina Damian Lillard, na may 34 points, at CJ McCollum, 25 points, ng Portland para maibaba sa dalawa ang 23 puntos na kalamangan ng Utah, 103-102, mahigit apat na minuto ang nalalabi sa laro.

Napigilan ni Utah’s two-time Defensive Player of the Year Rudy Gobert na makaiskor si Carmelo Anthony at kasunod nito’y binutata ang da-drive na si Lillard upang selyuhan ang panalo ng Jazz.

Umiskor si Gobert ng 16 points at 15 rebounds, nagdagdag si Joe Ingles ng 26 points, at 9 mula sa bagong salta sa Jazz na si Clarkson.

Na-trade si Clarkson sa Jazz kapalit ng dating No. 5 overall pick na si Dante Exum at dalawang future second-round picks.

May 14.6 points per game average si Clarkson ngayong season at kamakailan lang ay pinangunahan ang Cleveland kontra Memphis nang magtala ng season-high 33 points.

286

Related posts

Leave a Comment