LADY BLAZERS PANALO SA LADY ALTAS

NCAA 95a

BUMIDA ang mga newcomer ng College of Saint Benilde sa kanilang debut game sa NCAA Season 95 women’s volleyball noong Biyernes sa Arena, San Juan City kung saan tinalo nila ang University of Perpetual Help, 25-17, 14-25, 25-17, 25-20.

Naging susi sa panalo ng Lady Blazers sina Gayle Pascual na galing sa University of Santos Tomas, at rookie Mycah Go mula sa Hope Christian High School.

Nagpakawala si Pascual ng 14 kills sa kabuuang 15 points sa kanyang NCAA debut para sa Lady Blazers, habang si Go ay nagdagdag ng eight markers, 15 digs at seven excellent receptions.

Nakatulong din ng malaki si Jade Gentapa sa kanyang 12 points kabilang ang nine attacks, two blocks at isang ace.

Nanguna naman para sa Lady Altas sa naitalang 14 points at 10 digs, habang may tig-10 markers sina Dana Persa at Bianca Tripoli.  EBG

290

Related posts

Leave a Comment