SUNDALONG ‘CHOOSY’ MAGBABAYAD SA KANYANG BAKUNA

MAGBABAYAD ang sundalong mamimili ng bakunang ituturok sa kanya.

Ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na si Maj. General Edgard Arevalo, pinuno ng AFP Education Training and Doctrine Command bagaman hindi sapilitan ang pagpapaturok ng Sinovac o anomang brand na mayroon sa national stockfile ngunit babalikatin ng sundalong hindi magpapaturok nito ang gastusin kung ibang brand ang nais nila.

Ngunit sa kasalukuyan ay imposibleng mamili umano ang mga sundalo dahil bukod sa inaasahang papararting na Sinovac ay wala pang commercially available na bakuna sa bansa.

Kasabay nito, nagbabala ang pamunuan ng AFP na oras na ipag-utos ng pamunuan ng Sandatahang Lakas na kailangan nang mabakunahan ang lahat ng sundalo at maging ang kanilang pamilya ay kailangan sumunod ang lahat.

“Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas is not like any organization. Tayo po ay service-oriented organization. Tayo po ang inaasahan sa maraming mabibigay na tungkulin tulad ng pagharap sa pandemya kaya hindi opsyon ang pag-ayaw,” ani Arevalo sa ginanap na online briefing.

Sinomang sundalo na hindi mabakunahan ay maaring maharap sa kasong administratibo o paglabag sa Article of War 105, disciplinary actions of a comamnding officer, gaya ng paglabag sa utos ng AFP chief. (JESSE KABEL)

169

Related posts

Leave a Comment