6-BUWAN WALANG SWELDO, EASTWEST PLACEMENT TINATAWAGAN NG PANSIN

BANTAY OFW

SA pamamagitan ng Bantay OFW monitoring apps ay natanggap natin ang reklamo ni Emmanuel Laurente na nasa Riyadh, Saudi Arabia. Siya ay nakapunta sa Saudi Arabia sa tulong ng Eastwest Placement Agency. Ayon sa kanyang sumbong sa akin ay anim (6) na buwan na s’yang hindi pinapasweldo ng kanyang employer kung kaya siya ay nakikiusap na siya ay matulungan na maiparating sa kanyang agency ang kanyang pinagdaraanan. May pamilya siyang umaasa kaya importante para sa kanya na regular na matanggap ang kanyang pinagpaguran na sweldo. Samantala, humihingi rin ng tulong…

Read More

DEPLOYED NG PRIMEWORLD MANPOWER AGENCY INC., HUMIHINGI NG SAKLOLO

BANTAY OFW

Natanggap ko sa ating Bantay OFW monitoring center ang reklamo ng ating OFW na nasa Dammam, Saudi Arabia na si Mary Kres Rosales. Ayon sa sumbong ni Mary Kres Rosales ay: “expired na po ang iqama ko at hindi ma-renew gawa ng nilagay ng nagbenta sa akin dito po eh takas ako kaya undocumented po ako dito at ayaw ako pauwiin ng amo ko.’Yung agency ko po ay hindi nila ako iniintindi. Sana po ay matulungan ninyo akong makauwi. “ Ito ang dahilan kung bakit paulit-ulit tayong nanawagan sa lahat…

Read More

LORNA TOLENTINO HUMIHINGI NG SAKLOLO SA LNS INTERNATIONAL MANPOWER

BANTAY OFW

Bibigyang pansin naman natin ngayon ang rek­lamo ng ating kabayani na kapangalan pa man din ng isang artista na si Lorna Tolentino. Ayon kay Lorna, siya ay nakarating sa Kuwait sa pamamagitan ng LNS International Manpower Services Corporation. Ayon sa sumbong ni OFW LORNA TOLENTINO ay “Wala po akong sapat na tulog lalo na sa araw na may pasok sa eskwela at trabaho ng employer ko. Natutulog po ako sa ilalim ng mga tambakan ng damit. Ginigising ako ng mga anak ng employer kahit sa gitna ng aking pagpapahinga. Walang…

Read More

PANAWAGAN SA ASCENT SKILLS HUMAN  RESOURCES SERVICES INC.

BANTAY OFW

Pormal na po nating pinalitan ang titulo ng aking kolum na AKSYON OFW at ito ay gagawing BANTAY OFW. Dito ko na po ilalathala ang mga natatanggap kong sumbong at reklamo ng mga OFW na ipinapadala sa ating Bantay OFW Monitoring Center sa pamamagitan ng Bantay OFW Mobile apps. oOo Isa  sa mga natanggap kong sumbong ay mula kay Mary Cris Nebrida na dineploy sa Saudi Arabia ng ASCENT SKILLS HUMAN  RESOURCES SERVICES INC.  Narito ang kanyang liham-reklamo: “Hindi po ako sinuswelduhan ng maayos ng 2nd employer ko simula nu’ng…

Read More

BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING, SUMISIGAW NA NG SAKLOLO KAY GOV. VILMA SANTOS-RECTO

BANTAY OFW

NAKAKAPANLUMO na ang nangyayari sa isa nating kababayan na naging biktima ng Human Trafficking sa UAE at ngayon naman ay inilipat sa Oman. Ang aking tinutukoy ay si B—-a Sibulo na nagmula sa Makokak, Lipa City, Batangas. Magugunita na nitong nakaraan na­ting kolum ay akin nang sinimulan na banggitin ang tungkol sa patuloy na pamamayagpag ng Human Trafficking sa UAE. Tinukoy din natin ang binansagan natin na si Mama G na siyang nambibiktima ng mga Filipina sa pamamagitan ng pag-aanunsiyo ng mga job hiring sa Dubai at kanya pang ipinagmamalaki…

Read More