PDU30, XI MANONOOD NG LARO NG GILAS SA CHINA

duterte jinping12

(NI BETH JULIAN) MANONOOD sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Presidnet Xi Jinping sa laro ng Gilas Pilipinas sa  China. Isasagawa ang 2019 FIBA World Cup sa China kung saan makakaharap ng Gilas sa opening game ang Italy. Ayon kay Robert Borje, pinuno ng Presidential Protocol, posibleng makaharap din ng Pangulo ang Gilas habang siya ay nasa China. “We’re working on it. But definitely the President of course wants to support the team Philippines,” pahayag ni Borje. Gayunman, wala na sa schedule ng Pangulo ang pagpunta sa Fujian Province sa…

Read More

SANCHEZ ‘DI PALALAYAIN NI DU30

du3055

(NI BETH JULIAN) KONTRA si Pangulong Rodrigo Duterte na mapalaya ang convicted murderer at rapist na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez. Ito ang sinabi ni Senador Bong Go matapos silang persanol na magkausap ng Pangulo kung saan naitanong niya ito kung ano ang reaksyon hinggil sa balitang posibleng pagpapalaya kay Sanchez sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA). Pero diretsahang itinugon ng Pangulo na hindi ito sang ayon na mapasama si Sanchez sa GCTA. Sinabi ni Go na ikinatwiran ng Pangulo na hindi karapat-dapat si Sanchez dahil…

Read More

PDU30 PUMAYAG SA OPERASYON NG STL PERO…

(NI BETH JULIAN) PUMAYAG si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-operate ang STL pero mahigpit itong nagpaalala na dapat sumunod sa mga kondisyon ang mga operators at franchise holders ng STL. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, matatanggal lamang ang suspensyon sa operasyon ng STL kapag nakasunod na sila sa mga itinakdang kondisyon. Kabilang sa mga kondisyon ay ang pagdedeposito ng franchise holder ng kanilang shares sa PCSO ng tatlong buwan para naman sa franchise holder na hindi pa nakagagawa nito ay kailangang magdeposito ng kanilang kakulangan. Mayroon ding waiver na…

Read More

DESISYON NI DU30 SA PAGBABAWAL SA ONLINE GAMBLING HINIHINTAY

(NI BETH JULIAN) NAKAANTABAY ang Malacanang sa isusumiteng rekomendasyon ng Pagcor kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa panawagan ng China na ipagbawal na ang lahat ng uri ng online gambling operation sa Pilipinas. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang Pangulo lamang ang tanging makakapagpasya rito lalo’t sa ilalim ng batas ay legal ang online gambling. Sa ngayon ay itinigil muna ng Pagcor ang pagtanggap ng aplikasyon  ng mga bagong casino. Matatandaan na sinabi ni Chinese Foreign Minister spokesperson Hua Chunying na ikinagagalak nila ang hakbang ng Pagcor at umaasa…

Read More

DUTERTE ‘MAINIT’ NA SA BIR EXAMINERS

bir1

(NI BETH JULIAN) MAINIT na rin sa mata ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga examiner ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ito ay matapos  makarating sa Pangulo ang raket ng BIR examiners. Sa sumbong na natanggap ng Pangulo, sinasabing hindi umano nakararating sa gobyerno ang kabuuang buwis na binabayaran ng mga negosyante o kompanya. Sa deskripsiyon ng Pangulo sa raket ng mga taga-BIR, kunwari ay ia-assess ng examiner ang halaga ng buwis na dapat bayaran ng isang negosyante at magtatakda ng halaga pero bahagi lamang nito ang ireremit o…

Read More

PALASYO TIKOM SA KAPALIT NI BERSAMIN

(NI BETH JULIAN) KAHIT nalalapit na ang petsa ng pagreretiro ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa Setyembre, wala pa ring iniendorso ang Malacanang kung sino ang ipapalit sa mababakanteng puwesto. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa October 18 na ang petsa ng pagreretiro ni Bersamin kung saan iaabandona niya ang puwesto bilang Chief Justice ng Supreme Court. Katwiran ni Panelo, ang Pangulo ang tanging nakaaalam kung sino ang iluluklok para maging successor ni Bersamin, pero hanggang ngayon ay wala pa namang iniaanunsyo ang Pangulo. Base sa naunang…

Read More

PUWESTO NI CARDEMA NAKADEPENDE KAY DU30

cardema12

(NI BETH JULIAN) TANGING si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makapagpapasya kung bibigyan ng puwesto sa gobyerno si Duterte Youth Party President Ronald Cardema. Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa kahihinatnan ng kapalaran ni Cardema sakaling tuluyan nang magpasya ang Commission on Elections (Comelec) laban sa kanyang disqualification case. Ayon kay Panelo, hindi niya masasabi kung may alok na puwesto ang Pangulo kay Cardema. Samantala, iginiit ni Panelo na bahala na ang Comelec na magpasya sa kasong disqualification kay Cardema. Iginiit ni Panelo na kailanman ay hindi…

Read More

PALASYO ‘DI NABAHALA SA TEXT MESSAGE NI ZHAO

zhao1

(NI BETH JULIAN) HINDI nabahala ang Malacanang sa text message ni Zhao Jianhua kung saan sinabi nito na baka nag-eespiya na rin ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa kanilang bansa. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa tingin nya ay sariling sentimyento lamang ito ni Zhao at hindi naman talaga maaaring mai-apply sa mga OFW. Ayon kay Panelo, tulad ng paniniwala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang mga OFW ay nagpupunta sa China at sadyang nagtatrabaho lamang doon sa iba’t ibang lugar, taliwas sa Chinese workers na unang…

Read More

1 LINGGO ‘ABSENT’; LARAWAN NI DU30 INILABAS

(NI BETH JULIAN) MATAPOS ang isang linggong hindi paglitaw sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte, naglabas ng larawan ang common-law wife nito na si Honeylet Avancena sa kanyang facebook post. Ipinakita sa larawan na magkakasama sina Duterte, at ang kanilang anak na si Kitty na ang kumuha ng litrato ay si Avancena. Ang larawan ay kuha sa kanilang bahay sa Davao City. Ayon kay Avancena, galing si Kitty sa isang debut sa ganap na alas-11:15 Linggo ng gabi. Sa isa namang larawan na inilabas ni Senator Bong Go, kasama nito…

Read More