PALASYO ‘CHILL’ LANG SA POGO HUBS SA MILITARY CAMPS

duterte china44

(NI BETH JULIAN) HINDI nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglipana ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs malapit sa mga kampo ng militar. Ito ay kahit na nagpahayag na ng pagkabahala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng implikasyon nito sa isyung pangseguridad ng Pilipinas. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na batay sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinasabi nitong dahil sa mga makabagong teknolohiya ay maaari pa ring makapag-espiya ang China kahit ilang milya ang layo mula sa mga kampo. Ikinakatwiran ng Pangulo, ayon kay Panelo, na…

Read More

CARDEMA NAGPASAKLOLO VS GUANZON; PALASYO: DEADMA

cardema55

(NI BETH JULIAN) WALANG pakialam ang Malacanang. Ito ang tahasang tugon ng Malacanang sa hirit ni Duterte Youth President Ronald Cardema na nagpapasaklolo kay Pangulong Rodrigo Duterte para silipin ang alegasyong corruption na kinasasangkutan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi nakikialam ang Palasyo sa ginagawa ni Cardema dahil wala naman itong kaugnayan sa isyu. “Kung sinasabing mayroon man korapsyon, dapat magsampa ng kaso sa korte si Cardema laban kay Guanzon,” wika ni Panelo. Naninidigan ni Panelo na kahit pa naging supporter…

Read More

PRANGKISA NG 3 BROADCASTING FIRM, NILAGDAAN NI DU30

(NI BETH JULIAN) TULUY-tuloy na sa operasyon ang tatlong broadcasting firms matapos opisyal nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapalawig ng 25 taon sa prangkisa nito. Noong Agosto 8 nang pirmahan ng Pangulo ang franchise renewals ng SolidNorth Broadcasting System, Inc.  sa ilalim ng Republic Act 11366;  Mareco Broadcasting Network, Inc.  sa ilalim ng RA 11367, at Radio Audience Developers Integrated Organization, Inc. sa ilalim naman ng RA 11368). Ang SBS ay nakabase sa Vigan City Ilocos Sur, saan ito ang pinagmumulan ng balita at impormasyon para…

Read More

El NINO TASK FORCE BINUHAY

EL NINO12

(NI BETH JULIAN) KASUNOD ng babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), muling binuhay ng Malacanang ang El Nino Task Force. Ito ay sy natapos i-anunsyo ng PAGASA na may 75 porsyentong posibilidad na tatama ang El Nino phenomenon mula Hunyo hanggang Agosto ngayong taon. Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Memorandum Circular 38 saan binuo ang task force na layong magpatupad ng short at long term solutions para matiyak ang sapat na supply ng pagkain, tubig at enerhiya, protektahan ang kabuhayan ng mga Pilipino at…

Read More

PDU30 TIWALA PA RIN KAY PAO CHIEF ACOSTA

(NI BETH JULIAN) SA kabila ng inihaing reklamo sa Office of the Ombudsman, wala pang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa pwesto o hilingin na maghain ng leave of absence si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta. Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, buo pa ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Acosta pero nilinaw nito na ibang usapan na kapag nakitaan na may probabale cause ang alegasyon at may suspension order na mula sa Ombudsman. Napag-alaman na naghain ng reklamo ang mga empleyado ng PAO para…

Read More

DOE BINATIKOS SA PATULOY NA PAGGAMIT NG CARBON

doe

(NI ABBY MENDOZA) BINATIKOS ng grupo ng mga kinatawan ng konsyumer na tagapagtaguyod ng environment at clean energy, at ‘coal-affected communities’ ang Department of Energy (DOE) na pinamumunuan ni Sec. Alfonso Cusi dahil sa hindi pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA), na paunlarin ang Renewable Energy (RE) at bawasan ang paggamit ng uling o carbon. Dahil dito, nanawagan ang mga miyembro ng Power for People (P4P) coalition kay Energy Secretary Cusi na huwag nang magpatumpik-tumpik at ipatupad ang implementasyon ng nasabing…

Read More

SERVICE CHARGE BILL, PIRMADO NA NI DU30

duterte32

APRUB na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naglalayong ibigay ang lahat ng service charge sa mga kawani ng restaurant at hotel. Sa ilalim ng Republic Act 11360, na pinirmahan ng Pangulo, lahat ng servie charge ay paghahati-hatian ng mga manggagawa maliban sa managerial employees. Nasa batas din na kailangang resolbahin ng establisimyento ang mga hindi pagkakaunawaan sa hatian ng mga kawani sa service charge, ayon sa Labor Code of the Philippines. Sa ilalim ng nakaraang panuntunan, 15 porsiyento ng service charge ang napupunta sa management o may ari…

Read More

‘PADULAS’ KAPALIT NG SERBISYO ‘DI DAPAT – PANELO

panelo55

(NI BETH JULIAN) MALAKI ang pagkakaiba ng ‘padulas’ sa ‘expression of gratitude’. Ito ang paglilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kaugnay sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang masama kung tumanggap ng regalo ang mga pulis sa mula sa kanilang natutulungan. Gayunman, nanindigan ang Malacanang na hindi nito kinukunsinti ang ‘padulas’ sa lahat ng ahensya ng pamahalaan dahil ang nasabing gawain ay nasa kategorya ng corruption na posibleng maging kagawian na kung saan pinangangambahan na mangyari na kikilos lamang ang mga taong gobyerno kapag may kapalit o bigay. Pero…

Read More

MURANG KURYENTE MARARAMDAMAN NA

meralco12

(NI NOEL ABUEL) IKINAGALAK ng ilang senador ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang Murang Kuryente Act na inaasahang magbibigay ginhawa sa taumbayan. Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, malaking tulong sa taumbayan ang paglagda sa nasabing batas ng Pangulo lalo at mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin. “Magiging abot-kamay na ng bawat Pilipino ang mas mababang kuryente na kay tagal nang pinapangarap ng bawat isa sa atin ngayong nilagdaan na ang Murang Kuryente Act,” aniya. “Nagpapasalamat ako kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa wakas ay matutuldukan na rin…

Read More