(NI BETH JULIAN) IPINAUUBAYA na ng Malacanang sa kakayahan nina Justice Secretary Menardo Guevarra at Budget and Management acting Secretary Wendel Avisado ang pangangasiwa sa bidding process ng gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na iginiit na hindi itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ito sa kanyang Gabinete kung walang sapat na karanasan at kaalaman. Una nang sinabi ng Pangulo na kanyang pag-aaralan na ilipat sa Office of the President ang pangangasiwa ng operasyon ng keno, Small Town Lottery…
Read MoreTag: DUTERTE
KAMARA SERYOSO SA ROTC REVIVAL
(NI BERNARD TAGUINOD) SERYOSO ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na maibalik sa mga eskuwelahan ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) kaya muling ihinain ang nasabing panukala. Sa House Bill (HB) 2613 na inakda ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles, umaasa ito na sa pagkakataong ito ay maibalik na ng tuluyan ang ROTC kung saan ipapatupad ito sa Grade 11 at 12. Noong Mayo 2019, pinagtibay ng Kamara sa botong 167 pabor, 4 kontra at 0 abstention, ang nasabing panukala subalit hindi naging batas dahil hindi ipinasa ng Senado ang kanilang hiwalay na…
Read MoreDU30 SA PNP: ENDING, VIDEO KARERA ‘WAG HIGPITAN
(NI BETH JULIAN) INAASAHAN nang nagpipista ngayon ang mga operator ng ‘ending’ o ‘last two digits’ o video karera matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang higpitan at pakialaman ng PNP ang operasyon ng nasabing sugal. Sa talumpati ng Pangulo sa ika- 118th Police Service Anniversary ng PNP, ikinatwiran nito na hindi naman kalakihan ang taya at larong pangmamahirap lamang ang ‘ending’ at video karera kaya’t walang dahilan para pag-initan pa ito. Paalala ng Pangulo sa mga pulis, kapag may hinuli ang mga ito na nagpapataya ng ending ay…
Read MoreRETIRED POLICE, MILITARY SA STL: NO BIG DEAL – DU30
(NI BETH JULIAN) WALANG problema kay Pangulong Rodrigo Duterte kung may ilang retiradong pulis at military general ang may prangkisa ng small town lottery (STL). Ito ang bahagi ng talumpati ng Pangulo sa 118th Police Service Anniversary ng Philippine National Police (PNP), kasabay ng pahayag na wala siyang nakikitang masama basta’t masiguro lamang na sumusunod sa panuntunan at batas. “Let me say this to you now. The allegation that police generals, retired, are into the STL, lotto and what not, I said: ‘You do not have a problem with me.’…
Read More60/40 HATIAN SA WPS APRUB KAY DU30 KUNG…
(NI BETH JULIAN) INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hatian ng Pilipinas at China sa pinag aagawang teritoryo sa West Philippine Sea kung mas lamang ang Pilipinas sa makukuhang hati na 60/40. “Payag na ako sa 60/40 na hatian kung matitiyak na ibibigay sa gobyerno ang 60% ng anumang makukuha sa pinag-aagawang teritoryo,” wika ng Pangulo. Ayon sa Pangulo, ang nasabing usapin ay kanilang uupuan ni Chinese President Xi Jinping sa kanyang biyahe sa China sa katapusan ng Agosto. Kabilang din sa pag-uusapan ay ang kawalan pa rin ng…
Read MoreENDO BILL POSIBLENG MAIBASURA MULI
(NI NOEL ABUEL) MABABALEWALA at posibleng muling ma-veto ang panukalang Security of Tenure Bill or Endo bill kung walang nakikitang suporta na ipinakikita si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagsasabing hindi na ito magtataka kung sa pangalawang pagkakataon ay maibasura lamang ang nasabing panukala ay dapat nang huwag nang ipagpilitan pa itong ipasa sa Kamara at sa Senado. “We should secure Malacanang’s commitment that a new version of endo bill will not be vetoed. It will be a futile exercise to revive…
Read MorePALASYO TIKOM SA PAG-ALIS NG TRO VS KASO NI NOYNOY
(NI BETH JULIAN) IWAS ang Malacanang sa pag-alis ng Korte Suprema sa Temporary Restraining Order (TRO) sa mga kasong graft at usurpation of authority laban kay dating pangulong Noynoy Aquino. Ang kaso ay may kinalaman sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Philippine National Police–Special Action Force sa Mamasapano encounter noong January 25, 2015. Giit ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, hindi nanghihimasok ang Malacanang sa trabaho ng Korte dahil may umiiral na independence sa pagitan ng magkakahiwalay na sangay ng gobyerno na kinabibilangan ng ehekutibo, lehislatura at…
Read MoreP46-B CAR REGISTRATION FEE SA LTO NAWAWALA
(NI NOEL ABUEL) HINAHANAP ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang P46 bilyong koleksyon mula sa Motor Vehicle User’s Charge (MVUC) na nakolekta sa car registration fee sa Land Transportation Office (LTO). Ayon kay Recto, malaking tulong ang nasabing pondo para magamit sa road clearing operations na isinasagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng mga local government units (LGUs). Aniya, hindi nagamit ang MVUC collections na umabot sa kabuuang P46.25 bilyon noong Disyembre 2018 habang para sa taong 2019, inaaasahang makakokolekta ang pamahalaan ng P13.9 bilyon. “Its…
Read MoreAUG. 12, EID AL-ADHA HOLIDAY — PALASYO
(NI DAHLIA S. ANIN) IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte na holiday sa Agosto 12 bilang paggunita sa Eid al-Adha o ang Feast of Sacrifice ng mga kapatid na Muslim. Kinumpirma ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa mga mamamahayag. Wala pang detalye kung ito ay regular holiday o special non-working holiday ngunit ilalabas din ang opisyal na detalye nito, ayon din kay Medialdea. Ang Eid al-Adha ay ang pag-alala sa sakripisyong ginawa ni Abraham bilang pagsunod sa kautusan ni Allah. Ipinagdiriwang ang pistang ito sa Mecca, ang pinakabanal na siyudad…
Read More