(NI BETH JULIAN) Asahan na ang pagpupulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping. Ito ay matapos kumpirmahin ni Senator Bong na sinisimulan na ang pagpaplano sa pagtungo ng Pangulo sa China sa katapusan ng Agosto para manood ng FIBA World Cup 2019 sa China. Ang nasabing World Cup ay magsisimula sa August 31 at matatapos sa September 15. Ayon kay Go, sakaling matuloy ang Pangulo, ito ang unang pagkakataon na makasasaksi ang Pangulo ng FIBA games na ilang taon nang bigong ma-qualify ang Pilipinas Si Go ang…
Read MoreTag: DUTERTE
DU30 SA BFP: ‘WAG PURO KAIN-TULOG LANG
(NI BETH JULIAN) AMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na walang sapat na tao ang gobyerno para mamantine ang aspeto ng kaayusan at kapayapaan sa bansa. Ang pag amin ay inihayag kasabay ng kautusang pagpapakilos sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection para tumulong sa mga pulis at sundalo sa peace and order efforts ng pamahalaan. “You have to help in the maintenance of law and order. Do not limit yourself diyan sa ano. Kulang nga tayo ng tao eh. I will explain in the coming days. But I’m about…
Read MorePALASYO UMAMIN; PAGDAGSA NG CHINESE NAKAAALARMA
(NI BETH JULIAN) AMINADO ang Palasyo na nababahala na ang pamahalaan sa pagdagsa ng mga Tsino sa bansa. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, masyado nang marami ang mga Tsino na nakapapasok sa bansa kaya kailangan nang pagtuunan ng pansin. Nauna nang sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. na isang “security threat” ang pagdagsa ng mga Chinese workers sa Pilipinas. “We are worried kasi nga masyadong marami, may influx na magtataka ka kung paano sila nakapapasok? So hindi lang worry sa number, may worry pa kung paano sila…
Read MoreMARTIAL LAW SA NEGROS ORIENTAL PINAG-AARALAN NA NI DU30
(NI BETH JULIAN) IKINOKONSIDERA na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara ng Martial Law sa Negros Oriental. Sa press briefing kanina sa Malacanang, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nagkausap sila Miyerkoles ng gabi ng Pangulo kung saan isa lamang ito sa sinasabi ng Pangulo na bahagi ng ipatutupad niyang emergency powers para mapigilan ang patuloy pamemerhuwisyo at paghahasik ng karahasan ng NPA sa lalawigan. Ayon kay Panelo, kung sakali ay posibleng hiwalay na deklarasyon ito ng ML at walang lalabagin na probisyon sa Saligang Batas. Sinabi ni Panelo…
Read MoreAPPOINTMENT NG MGA HENERAL, IGALANG – PING
(NI NOEL ABUEL) DAPAT na igalang ng lahat si Pangulong Rodrigo Duterte sa desisyon nitong kunin ang serbisyo ng mga retiradong opisyal ng Armed Force of the Philippines (AFP) para pamunuan ang isang ahensya ng pamahalaan. Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kung saan iginiit nito na prerogative ng Pangulo kung sino ang nais nitong i-appoint sa isang posisyon sa pamahalaan. “Let the appointing authority exercise his prerogative under the Constitution and existing laws to appoint whoever he feels can effectively support his policies and programs. After all, if…
Read MorePCSO HANDA SA ANUMANG IMBESTIGASYON
(NI KEVIN COLLANTES/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN) NAKAHANDA ang tanggapan ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa anumang uri ng imbestigasyon na isasagawa ng mga awtoridad, kaugnay ng alegasyon ng korapsiyon. Ayon kay Garma, bukas sila sa anumang uri imbestigasyon at ipinaubaya na ang pagsasagawa nito sa mga awtoridad. Tiniyak naman niya na habang isinasagawa ang imbestigasyon ay ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang trabaho upang mapaghusay pa at maging transparent ang proseso ng kanilang mga gaming activities. Matatandaang nitong Sabado ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo…
Read MoreDU30 WALANG NASILIP NA ANOMALYA SA LOTTO OPERATION
(NI BETH JULIAN) WALANG nakitang bahid ng anomalya ang mga imbestigador sa operasyon ng lotto kaya ito ang dahilan ng pagpapasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling pabuksan ang operasyon nito. Martes ng gabi nang tanggalin ng Pangulo ang suspensiyon ng operasyon ng lotto. Gayunman, mananatiling suspendido ang operasyon ng iba pang online games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gaya ng Peryahan ng Bayan, STL at Keno na nakitaan ng iregularidad at anomalya. Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, tatapusin muna ang imbestigasyon sa mga nabanggit na online…
Read More‘LOTTO, STL OPERATORS KAYANG MABUHAY KAHIT TIGIL-OPERASYON’
(NI BETH JULIAN) INAMIN ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na walang magagawang hakbang ang pamahalaan para sa mga kawani ng lotto outlet at STL operations na nawalan ng trabaho dahil sa pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon nito. Sa press briefing sa Malacanang, ikinatwiran ni Panelo na kaya namang maka-survive ng mga Filipino sa tuwing may ganitong inaasahang sitwasyon. Hindi dapat i-under estimate, ayon kay Panelo, ang kakayahan ng mga Filipino dahil nagagawan ito ng paraan sa tuwina para mairaos ang buhay. Naniniwala si Panelo na hindi naman…
Read MoreAPPROVAL RATING NI DU30 INAASAHANG TATAAS PA
(NI BETH JULIAN) INAASAHAN ng Malacanang na tumaas pa ang approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, na nakikita nilang lalo pang makikita ng publiko na nagsisikap ang Pangulo na maisaayos ang panumuhay ng mga Filipino sa pagtatapos ng kanyang termino. Ayon kay Andanar, sasabayan nila ang pagsisikap ng Pangulo at pursigidong magtrabaho upang malagpasan ang 85 percent approval ratings ng Presidente. Sinabi ni Andanar na target nilang makamit ang 87 percent hanggang 90 percent trust rating sa pagtatapos ng termino…
Read More