(NI BETH JULIAN) KUNTENTO si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtugon ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa lindol sa Batanes. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, naging mabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga naapektuhang residente. Agad na naibalik ang suplay ng kuryente noong Linggo gayundin ang linya ng komunikasyon habang nabigyan na rin ng suplay ng inuming tubig at pagkain ang mga residente. Maliban dito, mayroon nang P40 milyong halaga ang naibigay ng Pangulo para sa pagtatayo ng clinic o ospital sa Batanes. Nakatakda namang magtungo sa…
Read MoreTag: DUTERTE
PAGBUBUKAS NG PCSO GAMING OPERATION DEPENDE KAY DU30
(NI BETH JULIAN) HINDI pa batid ng Malacanang kung pansamantala lamang o permanente nang ipasasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gaming operations ng PCSO. Sa ilalim ng PCSO, ang mga larong pinamamahalaan nito ay ang Lotto, STL, peryahan ng bayan at Keno. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na wala pa silang maibibigay na direktang tugon sa mga tanong kung magpapatuloy pa ang operasyon ng mga nasabing sugal o tuluyan nang tapusin. Ayon kay Panelo, sa ngayon ay pinag aaralan pa ni Pangulong Duterte ang sitwasyon sa PCSO. Nais ng…
Read MoreP40-M PANGAKO NI DU30 SA BATANES
NANGAKO si Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ng P40 milyon kasunod ng kambal na pagyanig sa Batanes nitong Sabado. Ang Pangulo, na nagtungo sa Batanes ng Linggo para alamin ang pinsala ng lindol sa Itbayat, ang bayan na pinakanapinsala, ay personal din na inalam ang kalagayan ng mga residente. Sinabi ng lokal na gobyerno na ang ospital sa bayan ay hindi na magagamit dahil napinsala rin ng lindol. Idinagdag ng Pangulo na hindi na maganda kung aayusin lamang ang ospital kundi, kailangang magtayo ng bago at matibay. “Magbibigay ako ng…
Read MoreDU30 SA COAST GUARD: BANTAYAN N’YO ANG BATANES
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Coast Guard (PCG) na bantayan ang mga isla ng Batanes province upang matiyak na mananatiling sa bansa ang mga ito. Sa press briefing sa Batanes provincial officials, sinabi ng Pangulo na kailangang magpatrulya sa lugar ang PCG kahit hindi araw-araw basta maiparamdam na sa Pilipinas ang mga isla roon. “I’ve been flying here in the area of the epicenter,” he said. “There are two islands — big ones. I told the mayor [Raul de Sagon]: It is ours? I don’t see any —…
Read MoreOFW DEPARTMENT UNANG AAPRUBAHAN
(NI BERNARD TAGUINOD) UUNAHIN umanong pagtitibayin ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para maitayo na ang Depatment of Overseas Filipino Wokers o OFW Deparment. Ito ang nabatid kay House Speaker Alan Peter Cayetano ukol sa tatlong bagong departamento na nais itatag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lalong madaling panahon. Kabilang sa tatlong bagong departamento na nais itayo ng administrasyon ay Department of Disaster Resilience na tutugon sa problema sa kalamidad at Department of Water para naman maresolbahan ang krisis sa tubig. “Sa OFW Department muna, ito…
Read MoreHAMON KAY DU30: CASINO ISUNOD NA IPASARA
(NI BERNARD TAGUINOD) IKINATUWA ng isang religious leader sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng uri ng sugal sa bansa kasama na ang pagpapasugal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) subalit dapat aniyang isama na dito ang mga casino. Ayon kay Cibac party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva, good news aniya ang pagkansela ni Duterte sa permit ng mga Lotto at Small Time Lottery (STL) sa buong bansa dahil maaari na umanong makaiwas ang Pilipinas bilang gambling Center of the World. “Sana pati mga Casinos…
Read MoreENDO BILL MAAARI PANG ISULONG – PANELO
(NI BETH JULIAN) MAAARI pa rin namang isulong ang pagbabawal sa contractualization sa ilalim ng administrasyong Duterte. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, may mga mungkahi si Socio Economic planning secretary Ernesto Pernia para balansehin at itama ang panukala nang sa gayon ay hindi makasama sa ekonomiya at pagkabuhayan. Gayunman, sinabi ni Panelo na posibleng hindi na ito prioridad ng kasalukuyang Kongreso. Una nang tuluyang nai-veto ni Pangulong Duterte ang Security of tenure bill. Layon sana ng panukala na itigil ang end of contract sa Pilipinas. Bago nito ay una…
Read MoreDU30 BIBISITA SA BATANES
(NI CHRISTIAN DALE) NAKATAKDANG bisitahin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Batanes matapos ang lindol sa naturang lalawigan. Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na kaagad na ipinag-utos ng Chief Executive ang mabilis na pagpapadala ng tulong sa mga nabiktima ng pagyanig. “Our PAF [Philippine Air Force] C295 already took off for Batanes at 9:18 a.m. bringing medical and rescue teams. We are planning for next sortie in coordination with Region 2 OCD (Office of Civil Defense),” ayon kay ES Medialdea. Sinasabing pasado alas-4:00 ng umaga kahapon nang yanigin ng…
Read MoreIMPORTED RICE BAWAL SA PANAHON NG ANIHAN – DU30
(NI BETH JULIAN) TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang aangkating bigas sa panahon ng anihan. Ayon sa Pangulo, kailangan munang ubusin ang stocks ng bigas ng mga lokal na magsasaka bago pag-isipan kung kailangan mag-angkat. Bukod dito, sinabi ng Pangulo na kahit mahal ang presyo ng bigas sa mga lokal na magsasaka ay handa pa rin itong bilhin ng pamahalaan kaysa bumili sa labas ng bansa. Iginiit ng Pangulo na ayaw niyang sumama ang loob ng mga lokal na magsasaka kaya kahit magpakalugi na ang pamahalaan ay kapakanan pa rin…
Read More