(NI BETH JULIAN) WALANG pagkakataon si Pangulong Rodrigo Duterte na makasalamuha o makaharap ang mga grupo ng overseas Filipino workers (OFWs) sa China. Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Assistant Secretary for Asian Pacific Affairs Meybardo LB Montealegre, na sinabing masyado nang puno ang schedule ng mga aktibidad ng Pangulo gaya ng hiwalay na bilateral meeting nito kasama si Chinese President Xi Jin Ping at Chinese Premier Li Keqiang. Gayunman, kinumpirma ni Montealegre na walang natatanggap na imbitasyon ang gobyerno para sa pakikipagpulong ng Pangulo para iba pang dadalong lider…
Read MoreTag: DUTERTE
‘OUST-DUTERTE PLOT MATRIX ‘DI GALING SA PALASYO’
(NI BETH JULIAN) MAKALIPAS lamang ang ilang minuto nang sabihing galing sa Office of the President ang impormayong inilabas ng isang pahayagan patungkol umano sa ‘oust-Duterte plot’, agad kumambyo si Presidential Spokesperson Salvador Panelo at kinontra ang unang pahayag. Ayon kay Panelo, blangko ito kung saan nakuha ng Manila Times at ng negosyanteng si Dante Ang ang sinasabing kopya ng matrix na nagpapakita ng umano’y sabwatan ng ilang mamamahayag para siraan at patalsikin sa puwesto ang Pangulo. Iginiit ni Panelo na siya dapat ang maglalabas ng matrix sa publiko pero…
Read MoreBANTA NI DIGONG: BUBUWELTAHAN KO KAYO ‘BIKOY’!
(NI CHRISTIAN DALE) MAGLALABAS si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng “intelligence report” mula sa ibang bansa na nagpapakita ng umano’y koneksyon ng mga human rights groups sa mga hakbang para siya ay patalsikin sa pwesto. Ang mga ito, ayon sa Pangulo, ang nasa likod ng black propaganda laban sa kanya at kanyang pamilya. “Kayong mga human rights (groups). Kayong mga nagba-black propaganda pati ‘yung anak ko si Veronica 14 years old drug addict? May ipalabas ako, you just wait,” ayon kay Pangulong Duterte sa naging talumpati nito sa PDP-LABAN Cagayan…
Read MoreDU30 DISMAYADO SA MWSS; ENGINEERS IPAPALIT SA MGA OPISYAL
(NI BETH JULIAN) MAHIGPIT na nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa nga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) dahil sa patuloy na dinaranas na kakapusan ng suplay ng tubig. Sa pagdalo ng Pangulo sa campaign rally ng PDP Laban sa Cagayan, sinabi nito na dismayado siya dahil hindi pinaghandaan ng MWSS ang mga epekto ng El Nino phenomenon. Giit ng Pangulo, may ilan taon nang nananatili sa MWSS ang mga opisyal nito subalit hindi nalulutas ang alam na namang nilang problema sa suplay ng tubig. Dagdag pa ng…
Read MoreCEASEFIRE, BALIK-PINAS ALOK NI DU30 ‘DI KINAGAT NI JOMA
(NI JUN V. TRINIDAD) HINDI kinagat ni Jose Maria “Joma” Sison, Communist Party of the Philippines (CPP) founder, ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na kagyat na tigil-putukan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at rebeldeng New People’s Army (NPA). Maging ang imbitasyon ng Pangulo na umuwi si Sison sa bansa para sa posibleng pagpapatuloy ng peace talks ay ibinasura rin ng lider-rebelde. “Nanloloko si Duterte sa bagong statement niya. Luma ang laman. Binibingwit niya ang mga NPA pati ako na pumasok sa bitag niya para kontrolin at katayin niya…
Read MoreDIPLOMATIC PROTEST LUNAS SA SIGALOT NG PHL, CHINA
(NI BETH JULIAN) DIPLOMATIC at negosasyon ang pinaka-mabisang paraan para malutas ang sigalot ng Pilipinas at China sa South China Sea. Ito ang pahayag ng Malacanang sa gitna ng patuloy na pagiging agresibo ng China sa South China Sea na ang pinakahuli rito ay ang pangunguha ng Chinese vessel sa Scarborough Shoal ng giant clam o mga taklobo. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na kahit nagpasaklolo na ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Korte Suprema para hilinging mag-isyu ito ng Writ of Kalikasan, negosasyon pa rin ang…
Read MoreGLORIA TIWALA SA DESISYON NI DU30 SA BUDGET
(BERNARD TAGUINOD) HINDI na kagulat-gulat kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 national budget dahil noong siya ang pangulo ay ginagawa rin umano niya ito. Sa ambush interview kay Arroyo, sinabi nito na tiwala ito sa naging desisyon ni Duterte na i-veto ang mahigit P95 Billion sa P3.757 Trillion pondo ngayong taon. “Even me, I used to line veto. Every year I partially vetoed the budget. So it’s done and we trust the President’s judgement,” ang tanging pahayag ni Arroyo sa pag-veto ni Duterte…
Read MoreKAHIT HOLY WEEK; SIMBAHAN BINANATAN NI DU30
(NI BETH JULIAN) HINDI pa rin nakalusot sa mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pari at obispo kahit Semana Santa. Ito ay matapos muling batikusin ni Pangulong Duterte ang mga pari at Simbahang Katolika sa kanyang talumpati sa dinaluhang campaign rally ng PDP-Laban sa Tuguegarao City, Cagayan, Martes ng gabi. Diretsahan pa rin ang Pangulo nang banatan ang mga paring bumabatikos sa kanyang administrasyon partikular na sa laban nito kontra ilegal na droga. Tinumbok ng Pangulo na sa tuwing nagmimisa ang mga pari ay ipinamumukha sa mga Kristiyano…
Read More‘ACDC’, BAYARAN SA MEDIA INUPAKAN NI DU30
(NI BETH JULIAN) NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na huwag maniwala sa mga istoryang ginagawa ng mga mamamahayag na tinatawag na “ACDC” o attack-collect / defend-collect practice. Kasabay ito ng pagbanat ng Pangulo sa mga mamamahayag na nagsasagawa nito kung saan umaatake o dumedepensa sa isang tao kapalit ang malaking halaga bilang kabayaran lalo na ngayong campaign season. Ayon sa Pangulo, gumagawa at nagsusulat ng mga political attacks ang mga ito at tumatanggap ng bayad mula sa kanilang mga kliyente. Dahil dito, hindi rin makaliligtas sa Pangulo ang…
Read More