(NI BERNARD TAGUINOD) UMAPELA ang dalawang babaing mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na pansinin ang penitensya na kinakaharap ng taumbayan dahil sa mga brownout, hindi maayos na serbisyo sa tubig, oil price hikes at iba pa. Ginawa ni Gabriela party-list Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas ang panawagan dahil tila hindi umano pinapansin ng Pangulo ang mga paghihirap ng taumbayan sa kasalukuyan. “It is a grave affront to Filipinos that President Duterte continues to indulge in his macho and sexist remarks with little or no regard at all to…
Read MoreTag: DUTERTE
PALAWAN HINATI SA 3 LALAWIGAN; PIRMADO NA NI DU30
NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas kung saan hahatiin sa tatlong lalawigan ang Palawan. Sa ilalim ng batas na nilagdaan ng Pangulo noong Abril 5 at isinapubliko lamang nitong Sabado, ang Palawan ay hinati sa tatlong lalawigan – Palawan del Norte, Palawan Oriental at Palawan del Sur. Ayon sa Republic Act 11259, ang probinsiya ng Palawan del Norte ay kabibilangan ng munisipalidad ng Coron, Culion, Busuanga, Linacapan, Taytay and El Nido. Ang munisipalidad ng Roxas, Araceli, Dumaran, Cuyo, Agutaya, Magsaysay, Cayancillo, at San Vicente ay maisasama naman sa…
Read MorePANGULO ‘DI NAKADALO SA MARAWI CAMPAIGN RALLY
HINDI nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa campaign rally ng PDP-Laban sa lungsod ng Marawi nitong Biyernes dahil sa masungit na panahon. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang masungit na lagay ng panahon ang rason kaya hindi nakalipad ang Pangulo patungo sa Mindanao State University main campus na siyang pinagdausan ng event. “Hindi maganda ang panahon kaya minabuti na lang magpahinga ng Pangulo,” sabi ni Panelo. Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni PDP-Laban spokesperson Ronwald Munsayac na hindi raw binigyan ng clearance ang helicopter ni Pangulong Duterte na makaalis…
Read MoreMAYOR SARA PARA PRESIDENTE SA 2022; DU30 KONTRA
(NI BETH JULIAN) KONTRA si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagkapangulo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City, mariing inihayag ni Pangulong Duterte na hindi siya payag na tumakbo sa presidential position ang kanyang anak. Pero hindi naman idinetalye ng Pangulo ang kanyang dahilan kung bakit hindi ito pabor na tumakbo sa pagkapangulo ang anak. Una nang sinabi ni Mayor Inday na masyado pang maaga para magdesisyon para rito at posibleng mapagpasyahan niya ito sa taong 2021. 672
Read MorePANGULO UMAMING PAGOD NA PERO LABAN SA DROGA TULOY
(NI BETH JULIAN) BAGAMA’T aminadong pagod na, ipinangakong muli ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy pa rin niyang lalabanan ang iligal na droga, kriminalidad at korapsyon sa nalalabing panahon ng kanyang termino. Sa talumpati ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City, sinabi nito na nakararamdam na siya ng pagod sa maraming taon na pagsisilbi at paghahatid ng serbisyo publiko. Gayunman, iginiit ng Pangulo na kakayanin nitong iparamdam sa publiko ang kanyang pagmamahal sa bayan at ang paglaban sa ilegal na droga, krimen at sa mga kurap na tauhan at opisyal…
Read MoreDU30 IPIT: TULUYANG PAG-VETO SA 2019 BUDGET POSIBLE
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI isinasantabi ng isang opposition congressman na tuluyang i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 national budget upang hindi nito masaktan ang Senado at Kamara. Sa press conference, Biyernes ng hapon sa Kamara, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, hindi kayang isakripisyo ni Duterte ang kanyang ka-alyansa sa dalawang Kapulungan kaya para maiwasan umano ito ay ive-veto na lamang nito ang buong P3.757 Trillion national budget ngayong taon. “Pag kinampihan niya ang House magagalit ang Senate, pag kinampihan niya ang Senate magagalit ang House. Magkakaroon…
Read MoreSIBAKAN SA GOBYERNO BAGO ANG CHINA TRIP NI DU30
MARAMING tiwaling opisyal ng gobyerno ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte bago siya magtungong China para sa isang infrastructure forum. Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban campaign rally sa Bacolod City, sinabi ng Pangulo na hindi siya mangingiming ubusin ang kanyang mga tauhang corrupt. Nasa Beijing ang Pangulo mula April 26-27 para sa Belt and Road forum. Paulit-ulit na iniaanunsiyo ng Pangulo ang planong pagsibak sa mga opisyal na sangkot sa iba’t ibang katiwalian at isinasapinal na ang mga ito. Hindi idinetalye ng Pangulo kung sino at saan ahensiya ang apektado…
Read MoreMATAAS NA GRADO NI DU30 SA SWS: KRITIKO BULAG SA PAGBABAGO
(NI BETH JULIAN) WELCOME sa Malacanang ang Social Weather Station (SWS) survey na nagpapakita na 79 percent ng mga Pilipino ang nagsabing kontento sila sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte. Batay sa survey, lumalabas na nasa positive 66 ang net satisfaction rating ng Pangulo para sa buwan ng Marso. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang resulta ng survey na ito ay nagpapakita lamang na habang patuloy sa paninira ang mga kritiko ng Pangulo ay mas lalo lamang tumataas ang kanyang ratings. Sinabi ni Panelo na tila nagiging bingi ang…
Read MoreP70 A DAY FOOD CHALLENGE KAY DU30, ECONOMIC MANAGERS
(NI BERNARD TAGUINOD) HINAMON sa Kamara si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang mga economic managers na subukang mabuhay sa budget na P70 kada araw upang malaman ng mga ito ang tunay na kalagayan ng mga pobre. Ginawa nina Gabriela party-list Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas ang hamon matapos itakda ng Philippine Statistics Authority (PSA) na kailangan lamang ng isang pamilya na may 5 miyembro ang budget na P10,481 kada buwan para matugunan ang lahat ng kanilang pangangailangan. Dahil sa halagang ito na itinakda ng PSA, bumaba umano sa 16.1% ang poverty…
Read More