(NI CHRISTIAN DALE) WALANG panahon at ayaw mag-aksaya ng oras ng Malakanyang para patulan ang mga banat ni dating pangulong Benigno Aquino III na bumabalik na naman ang diktadurya base sa mga ginagawa ngayon ng gobyernong Duterte. Ipinagi-ingay ni Aquino na nawala na umano ang diwa ng EDSA, kalayaan at demokrasya at bumabalik ang ideya ng diktaduryang Marcos sa pamamagitan ng mga ginagawa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Partikular na tinukoy nito ang pagbuhay ng Human Settlement at ang pagpapalit ng pangalan ng Pilipinas at gawin na itong Maharlika. Ayon…
Read MoreTag: DUTERTE
MULA 3-M, BILANG NG ADIK 8-M NA – DU30
(NI CHRISTIAN DALE) UMABOT na sa walong milyon mula sa tatlong milyon ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng ilegal na droga sa bansa, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Pinagbatayan ng Pangulo ang mga pigura na natanggap niya mula Luzon, Visayas at Mindanao.Ang kanyang naunang pagtataya, umaabot sa tatlong milyong Pilipinong adik ay mula lamang sa report ng mga awtoridad sa Greater Manila Area. “Sabi ni Bato 1.6 million. Kinu-question nila eh. Sabi naman ni Santiago, it’s about three million. Tama silang dalawa. Iyong counting na ‘yun, Maynila lang. ‘Di…
Read MoreSA BANTA NI DU30: PETER LIM WALANG PARAMDAM
(NI CRISTIAN DALE) WALANG feeler o anuman sa kampo ng sinasabing bigtime druglord at kumpare ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos magbanta ang Pangulo na huwag haharap sa kanya ng buhay at sa halip ay mag-suicide na lamang. Nanggagalaiti sa galit ang Pangulo matapos umanong makahanap ng bagong ebidensiyang magdidiin kay Lim sa illegal nitong aktibidad. MALAKI ang posibilidad na nakapangalap na ng karagdagang ebidensya ang Pangulo laban sa bigtime druglord at kumpare na si Peter Lim, ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo. Idinagdag nitong ang mga bagong ebidensiya ang nakapagkumbinsi…
Read More‘MALUPIT NA WAR ON DRUGS ‘DI SAGOT SA PROBLEMA’
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI magtatagumpay si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng pagpatay sa mga small time pushers at users lamang. Ito ang pahayag ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano kasunod ng banta ni Duterte na mas malupit na war on drugs ang kanilang ikakasa upang maresolba ang problemang ito bago matapos ang kanyang termino. “Ang impact ng isang programa ng gobyerno ay hindi dapat sinusukat sa dami ng napatay kundi sa dami ng buhay na nailigtas o nabago dahil dito. Count…
Read MoreMARTIAL LAW VS ILLEGAL DRUGS MALABO
(NI CHRISTIAN DALE) SUNTOK sa buwan kung magdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para solusyunan ang problema sa iligal na droga. Bagama’t uubra, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang pagdeklara ng Pangulo ng batas militar laban sa ilegal na droga para masiguro ang seguridad ng publiko ay hindi niya ito gagawin. ” I don’t think so, because he doesn’t have to. We are containing it, given the figures – official figures,” ayon kay Sec. Panelo. Aniya, epektibo pa rin ang kampanya kontra iligal na droga kahit may mga…
Read MoreBAGONG TATAY MAY DAGDAG 15 DAYS NA PATERNITY LEAVE
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI lang ang mga nanay ang makikinabang sa 105 Days Maternity leave na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil maging ang kanilang asawa at magkakaroon na rin ng karagadang 15 days na paternity leave. Sa ngayon, base sa Republic Act 8187 o Paternity Leave, isang linggo o pitong araw lamang ang ibinibigay na bakasyon sa mga Tatay kapag nanganak ang kanilang asawa. Subalit sa ilalim ng bagong batas sa maternity leave, naglagay ang mga mambabatas ng probisyon na bigyan din ng 15 days na bakasyon sa trabaho…
Read MoreDU30, ZHAO: ILLEGAL DRUGS TINALAKAY
(NI LILIBETH JULIAN) KINUMPIRMA ng Malacanang na nakipagpulong si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo. Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, na tinalakay ng dalawang lider ang pagiging talamak pa rin ng ilegal na droga sa bansa at ang ginagawang hakbang ng pamahalaan ng Pilipinas para ito masawata. Ayon kay Panelo, natalakay din ang bilateral relations ng Pilipinas at China hinggil sa aspeto ng seguridad, kalakalan, people to people exchanges, ang pagtutulungan sa mga regionals at international issues. Sa pagpupulong ay…
Read MorePNP RANK CLASSIFICATION BABAGUHIN NA
(NI LILIBETH JULIAN) SA layong maibsan ang kalituhan, babaguhin na ang rank classification sa hanay ng Philippine National Police (PNP). Ito ay matapos kumpirmahin na opisyal nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na gawing standard ang tawag sa isang police officer. Ang bagong rank classification sa PNP ay ang Police General; Police Lieutenant General; Police Major General; Police Brigadier General; Police Colonel; Police Lieutenant Colonel; Police Major; Police Captain; Police Lieutenant; Police Executive Master Sergeant; Police Chief Master Sergeant; Police Senior Master Sergeant; Police Master Sergeant; Police Staff…
Read MorePNP SA NARCO-POLITICIANS: SUMUKO NA LANG KAYO!
(NI NICK ECHEVARRIA) MAKABUBUTING umamin na lamang ang mga narco-politicians sa bansa bago pa man tuluyang ilabas ang narco-list. Ito ang payo ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, gayunman binigyang-diin nito na hindi sila ang maglalabas ng listahan ng mga narco-politicians sa halip ay ipauubaya na nila ito kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Albayalde, tumutulong lamang sila sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsasagawa ng mga validation at nasa desisyon pa rin ng pangulo kung ilalabas ang narco-list sa publiko para tulungan ang mga…
Read More