PINOY NA AKUSADO SA DROGA SA IBANG BANSA TUTULUNGAN

pinoy

(NI CHRISTIAN DALE) NILINAW ng Malakanyang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya tutulungan ang mga Pilipinong nasa ibang bansa na masasangkot sa ilegal na droga. Ayaw lang labagin ni Pangulong Duterre ang mga batas sa labas ng Pilipinas. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, handa ang pamahalaan na bigyan ng abugado ang akusadong Pinoy. Nauna rito, nagbabala ang China na maaring mauwi sa gantihan kung magiging padalos-dalos ang Pilipinas sa pagpapadeport ng mga Chinese workers sa bansa. Ginawa ng China ang nasabing babala matapos ang dinner…

Read More

FILIPINO CITIZENSHIP SA ROHINGYA REFUGEES OK KAY DU30

myanmar

(NI CHRISTIAN DALE) HINDI magdadalawang-isip  si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bigyan  ng Filipino citizenship ang mga Rohingya refugees. Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte sa idinaos na 2019 General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Manila Hotel sa Lungsod ng Maynila, sinabi ni Duterte na prayoridad niya na mabigyan ang  talagang walang mapuntahan. Humingi naman ng paumanhin si Duterte sa de facto leader ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi dahil sa pahayag nitong nagaganap na genocide. Aniya, sinag-ayunan lamang niya ang ilang mga…

Read More

DU30 DUDA SA ILL-GOTTEN WEALTH NG MGA MARCOS

duterte500

(NI BETH JULIAN) “UNTIL now you have not proven anything except to sequester and sell. Hindi ka maniniwala.” Ito ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa akusasyon na may nakaw na yaman si dating Pangulong Ferdinand Marcos. Inihayag ng Pangulo sa talumpati nito sa League of Municipalities of the Philippines, sinabi nitong hangga’t hindi napatutunayan ay nananatili itong duda sa akusasyong may nakaw na yaman na nagkakahalaga ng $10 bilyon si Marcos. Napag alaman na naungkat ang isyu sa nakaw na yaman ng mga Marcos matapos nitong muling idepensa ang kanyang…

Read More

DUTERTE HANDA SA WEST PHILIPPINE SEA ISSUE SA US

dutertewps

(NI BETH JULIAN) BUKAS si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling masingit sa gagawing pulong sa pagitan nito at ni US Secretary of State Mike Pompeo ang isyu sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa inaasahang pagdating sa bansa ni Pompeo sa Pebrero 28 hanggang Marso 1. Ayon kay Panelo, magiging sentro ng pag uusap ang isyu sa terorismo at Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at US pero handa rin naman ang Pangulo sakaling  uungkatin ang usapin sa mga pinag-aagawang isla. Pero sianbi…

Read More

TRILLANES KAY DU30: BIGO SA PANGAKO

trillanes22

(NI NOEL ABUEL) BINATIKOS ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte na sadyang hindi nito natupad ang pangako na sosolusyunan ang krimen, kurapsyon at pagkalat ng illegal na droga na sa kasalukuyan ay lalong lumala. “Klaruhin ko lang, ang mga pangunahing pangako nya na lulutasin nya ang crime, corruption at illegal drugs in 3 to 6 months, ay lalong lumala,” giit nito. “Nagkalat na ang mga killers ngayon sa lansangan. Pinakawalan nya rin ang lahat ng mga kaalyado nyang mandarambong. Sa iligal na droga naman, ni hindi nya…

Read More

DU30: DILAWAN, LUSAW NA; UMANIB NA LANG SA CCP

duterte22

(NI BETH JULIAN) LUSAW na ang mga ‘Dilawan’. Ito ang diretsahang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng panawagan sa mga kasapi ng Liberal Party o dilawan na umanib na lamang sa Communist Party of the Philippines (CPP). Sa talumpati ng Pangulo sa Liga ng mga Barangay National Assembly sa SMX Convention sa Pasay City, kinaawaan nito ang pagiging uhaw sa kapangyarihan ng mga dilawan. “Kaya lang walang masabi itong mga yellow, t*** i** iwanan ninyo maghanap kayo ng partido. Kung wala Communist Party of the Philippines,” pahayag ng Pangulo.…

Read More

ILLEGAL CHINESE WORKERS ITATAPON PABALIK NG CHINA

chinese workers

(NI BETH JULIAN) MANANAGOT sa batas ang mga dayuhan partikular ang Chinese na ilegal na nagtatrabaho sa bansa. Ito ang mahigpit na babala ng Malacanang kasunod ng mga ulat na mas lamang ang mga Chinese na trabahador kaysa mga Fililipino na nagtatrabaho sa ilang kumpanya sa bansa partikular sa mga cnstruction firm. Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, mahigopit na bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte mananatili ang polisiya na ipatupad ang Immigration law. Pero, hindi naman maaaring ipa-deport agad ang mga Chinese national na nahuling ilegal na nagtatrabaho sa…

Read More

NAGBABANTA SA BUHAY NG MGA PARI BINALAAN

du22

(NI BETH JULIAN) HINDI galing kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga banta sa buhay sa mga pari sa bansa Sa talumpati ng Pangulo sa Cebu City binanggit nito ang mensahe na kanyang tinanggap mula kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na nagsasabing may nagpapadala umanong death threat sa ilang obispo at pari na ginagamit ang pangalan ng Pangulo at kanyang pamilya. Dito ay nilinaw ng Pangulo na maaaring may gumagamit lamang ng kanyang pangalan at hindi ito magmumula sa kanya. Matatandaan na ilang ulit nang binanatan ni Duterte ang…

Read More

HIGIT LIBO BINIGYAN NG CASH GRANT SA CEBU

d30grant

(NI LILIBETH JULIAN) PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng cash grant sa mga benepisaryo ng Unconditional Cash Transfer sa Cebu City nitong Linggo. May kabuuang 1,531 beneficiaries ang nabiyayaan ng cash grant na ginanap sa Cebu Technological University. Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nito na tinutugunan ng gobyerno ang mga pangangailangan ng mga Pilipino partikular na ang libreng edukasyon; health care at social assistance. Dito ay hinimok pa ng Pangulo ang mga empleado ng gobyerno na patuloy na pagsilbihan ang mga mamamayan sa bansa nang may dedikasyon, katapatan,…

Read More