Lubhang apektado na umano ang mga negosyante ng baboy sa ilang bayan sa lalawigan ng Bulacan dahil sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) partikular sa bayan ng Pandi kung saan nanawagan ang mga ito ng suporta sa pamahalaang lokal subalit tila hindi sila pinapansin ng kanilang alkalde.
Ayon sa grupo ng Livestock Raisers of Pandi, tulungan silang makabangon dahil lubha na silang naapektuhan ng ASF makaraang sunud-sunod na tamaaan ng virus ang mga alagang baboy.
Kinumpirma naman ni Mayor Rico Roque na may isang farm sa Brgy. Baka-Bakahan ang tinamaan ng ASF at sinasabing maliit lamang umano ang bilang ng mga alagang baboy ang tinamaan ng virus.
Sa reklamo naman ng may-ari ng Corpuz Farm na si Mae Gonzales, mahigit umano sa isang libong baboy ang pinatay sa kanyang farm ng pamahalaang bayan ng Pandi kaya malaking dagok ito sa kanyang negosyo.
Sinabi ng negosyante na “pinag-iinitan umano siya ng alkalde dahil magkalaban ang mga ito sa politika kaya maging ang kanyang negosyo ay nadadamay sa galit ng alkalde”. Samantala, pinabulaanan naman ito ng alkalde.
Sinabi ng mga hog raiser, na umaapela sila sa alkalde na sana ay maibalik ang “Free trading” sa mga selected slaughterhouse sa lalawigan at maging sa iba pang lugar.
Sa larangan ng politika, dapat kapag natapos na ang halalan ay kalimutan na ang hidwaan at alisin ang pamumulitika o’ paghihiganti. Ika nga, move on na tayo.
Dapat ipakita ng alkalde ang kanyang katapatan sa tungkulin at asikasuhin ang kanyang bayan na matagal nang napag-iiwanan.
Sinikap din natin na makuha ang panig ng alkalde patungkol sa reklamo ni Mrs. Gonzales, subalit hindi tayo mapagbigyan na mainterbyu at hindi rin sinasagot ang aking mga text message.
Paano nga naman natin maririnig ang side ng alkalde kung nagtatago ito o namimili ng kanyang mga dapat kausapin?
oOo
Ugaliing panoorin at subaybayan araw-araw sa Facebook Live ang programang Latigo ni Batuigas sa Latigo News TV at paki-subscribe ang aming Youtube channel na Latigo Online Nationwide News TV. (Hagupit ni Batuigas / MARIO B. BATUIGAS)
150