(NI LOURDES C. FABIAN) TINULDUKAN ng former Pinoy Big Brother teen housemate na si Kisses Delavin ang usap-usapang magku-quit na siya sa showbiz. Nagsimula ang balitang tatalikuran na niya ang showbiz nang mag-concert siya at nabanggit niyang sumagi sa kanyang isipan ang tumigil na sa showbiz. Sa kanyang guesting sa ABS-CBN morning show na “Magandang Buhay,” inamin ni Kisses na sumagi talaga sa kanyang isip ang tungkol sa pagku-quit, pero nagbago na raw iyon dahil naramdaman niyang marami pa rin ang nagmamahal sa kanya. Aminado si Kisses na ang mga naranasang pamba-bash sa social…
Read More