PAMILYA NA APEKTADO NG MANILA BAY REHAB MAY LILIPATAN – PPA

PPA General Manager Jay Daniel Santiago

(Ni ABBY MENDOZA) TINIYAK ng Philippine Ports Authority (PPA) na may malilipatan ang may 2,000 pamilya na nakatira sa Isla Puting Bato sa Tondo Maynila kasunod ng isinasagawang Manila Bay Clean Up. Ang pagtiyak ay ginawa ng PPA matapos humarap House-Oversight Committee Hearing na ipinatawag ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kaugnay sa magiging aksyon sa mga residente na apektado ng rehabilitasyon. Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, ibibigay ng PPA ang 5 hektaryang lupa sa Tondo, Maynila para mapaglipatan ng mga informal settlers. Naglaan rin umano ang ahensya…

Read More

HIGIT 100 LOCAL OFFICIALS MALALAGOT SA MANILA BAY REHAB

BASURA

(NI JEDI REYES) MAGPAPALABAS ng show cause order ang Department of Interior and Local Government (DILG) para sa 107 lokal na opisyal para pagpaliwanagin sa polusyon ng Manila Bay. Ayon kay Undersecretary Martin Diño, kabilang sa mga hinihingan ng paliwanag ay ang ilang alkalde at kapitan ng mga barangay. Diin ng opisyal, sa nakalipas na maraming taon ay nabigo ang mga lokal na opisyal na mahigpit na ipatupad at bantayan ang implementasyon ng mga batas patungkol sa pagtatapon ng basura ng mga komunidad na nasa paligid ng Manila Bay. Sinabi…

Read More

LGUs NA ‘DI MAKIKIISA SA MANILA BAY REHAB KAKASUHAN

manila

(NI ABBY MENDOZA/PHOTO BY KIER CRUZ) INATASAN ng Department of Interior and Local Government(DILG) ang mga Local Government Units(LGUs) na lingguhan nang maglinis sa kani-kanilang lugar na sakop ng Manila Bay bilang tulong sa ginagawang rehabilitasyon. Ayon kay Interior Undersecretary Epimaci Densing, nag-isyu na sila ng memorandum sa mga LGUs kasama ang mga barangay para sa lingguhang paglilinis sa Manila Bay at mayroon umanong monitoring system ang DILG upang masiguro na nasusunud ang direktiba. Banta ni Densing, ang hindi tatalima ay maaaring kasuhan ng administratibo. Sinabi ng opisyal na tuloy-tuloy…

Read More

P40-B PONDO NG MANILA BAY REHAB MASASAYANG KUNG…

manila bay

(NI BERNARD TAGUINOD) NAIS ipadeklara ng mga  mambabatas sa Kamara sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na reclamation-free zone ang Manila Bay upang hindi magsayang ng pera ang tax payers sa isinasagawang rehabilitation. Isa ito sa nilalaman ng  ihinaing House Resolution(HR) 2452 ng mga progresibong mambabatas sa Kamara sa pangunguna ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao kahapon sa Kamara. Ayon kay Casilao, walang silbi ang ang Manila Bay Rehabilitation na tinguriang “Battle of Manila Bay” kung sa bandang huli ay papayagan ang reclamation activities sa nasabing karagatan. Base…

Read More

7K MANGINGISDA MAWAWALAN NG KAYOD

manila

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY KIER CRUZ) AABOT  sa 7,000 mangingisda ang mawawalan ng hanapbuhay sa sandaling simulan na ang Manila Bay Reclamation projects, hindi lamang sa Lungsod ng Maynila kundi sa Bacoor Cavite. Ayon kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, hindi nila tinututulan ang Manila Bay Rehabilitation subalit kontra ang mga ito sa reclamation dahil magugutom ang pamilya ng may 7,000 mangingisda sa nasabing karagatan. Sinabi ng mambabatas na kapag natuloy ang reclamation project ay tiyak na masisira ang fishing ground ng mga maliliit na mangingisda sa 194-kilometrong coastline mula…

Read More

REHAB NG MANILA BAY SIMULA NA SA LINGGO

manila

(PHOTO BY KIER CRUZ) SISIMULAN na sa Enero 27 ang rehabilitasyon sa Manila Bay na uumpisahan sa sabay-sabay na clean up drive at mangrove planting sa anim na ilog na nakapaligid sa Manila Bay, ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu. Isasahawa ang mangrove planting sa sa Marine Tree Park sa Navotas City,habang magsasagawa naman ng cleanup activities sa Bakawan Warriors sa Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA),cleanup activity naman ang isasagawa sa ilog ng Talaba Dos,Bacoor,Cavite, habang habang maglilinis naman ang DENR sa ilog ng Obando, Bulacan-Obando-Meycauayan River…

Read More