(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG plano ang House contingent na isuko ang kanilang paninindigan na buksan sa media ang Bicameral Conference meeting sa 2019 national budget upang malaman ng publiko ang kanilang ginagawa. Ipinagpatuloy kahapon ang ikalawang bicam meeting ng mga contingent ng Kamara at Senado para isapinal ang P3.757 trillion national budget ngayong taon. Ayon kay House appropriation committee chairman, Rep. Rolando Andaya Jr., hihilingin nila sa kanilang mga counterpart sa Senado na buksan sa media coverage ang kanilang bicam meeting simula ngayong umaga sa Manila Polo Club sa Makati…
Read More