Sa darating na Setyembre magsisimula ang aktwal na implementasyon ng Republic Act No. 11055 na mas kilala sa tawag na Philippine Identification System Act o ang National ID System na mahigpit na tinututulan noon ng mga makakaliwang grupo. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), may inisyal na 6 milyong Filipino ang target ng PSA na makapagrehistro at mabigyan ng national ID sa mga unang buwan ng implementasyon ng R.A. 11055. Target naman ng PSA na bago matapos ang 2022 ay maiisyuhan na ng national ID ang may 100 milyong Filipino…
Read MoreTag: SIDEBAR
ANG PAGSASABI NG TAPAT
Naging isyu ngayon ang “honesty” sa mga tumatakbo sa pagka-senador dahil sa pahayag ni Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte na hindi dapat gawing isyu ito sa kampanya dahil lahat naman daw ng tao ay nagsisinungaling. Ang naturang pahayag ni Mayor Sara ay bilang pagdepensa kay senatorial candidate at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na umani ng batikos matapos magsinungaling ito na nagtapos sa Princeton University at University of the Philippines-College of Law na kapwa itinanggi ng dalawang pamosong pamantasan. Sa pananaw naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, isang uri ng fraud…
Read MorePOLICE SCALAWAGS SA MGA DDEUPOLICE SCALAWAGS SA MGA DDEU
Talagang hindi sa bagong uniporme o sa bagong rank system ng Philippine National Police (PNP) masusukat ang pagiging disiplinado at episyente sa paggampan ng tungkulin ng a¬ting kapulisan. Sadyang may mga pulis na likas na abusado at korap at patuloy na gu¬magawa ng iba’t ibang uri ng kalokohan at mga ilegal na bagay at ito ang nagbibigay dungis sa imahe ng PNP. Kaya nga hindi natin masisi si PMajGen Guil¬lermo Eleazar ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nang hindi siya makapagpigil sa isang pulis-Marikina na nahuli sa aktong nangingikil…
Read MoreMAILAP AT MAHABANG PROSESO NG KAPAYAPAAN
Sa panahon ni Pangulong Corazon Aquino unang nagkaroon ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at National Democratic Front (NDF) at ito ay nangyari sa ilalim ng “democratic space” matapos ang 1986 EDSA People Power Revolution. Si Speaker Ramon Mitra ang unang pinuno ng GRP panel samantalang ang mga dating peryodistang sina Antonio Zumel, Satur Ocampo at asawa nitong si Bobbie Malay ang mga miyembro ng NDF panel. Dati ring peryodista si Mitra kung kaya madali para sa kanila ang mag-usap. Pero sadyang…
Read MoreNARCO-POLITICS
Nagmula ang katagang “narco-politics” sa bansang Colombia kung saan ginagamit ang pera mula sa pagbebenta ng cocaine para suportahan ang kampanya ng mga politiko na sa tingin ng drug cartel ay makakatulong sa operasyon ng kanilang ilegal na droga. Dumating sa sukdulan ang narco-politics sa Colombia nang mismong ang pinakamalaking drug lord at pinuno ng Medellin drug cartel na si Pablo Escobar ay nanalong kongresista at nangarap pang tumakbo sa pagkapangulo ng kanyang bansa. Hindi naman lihim na rito sa Pilipinas ay may mga politiko rin na pasok sa ilegal…
Read MorePRESIDENTIAL RACE SA 2022
Hindi pa man natatapos ang May 13 midterm elections ay mainit na ang mga diskusyon hinggil sa mga posibleng tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 kung kailan magtatapos ang anim-na-taong termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ngayon pa nga lang ay pumuputok na ang pangalan ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang isa sa mga “presidentiables” at mismong si Senador Panfilo Lacson ang nagsabing kwalipikado si Mayor Sara bilang pangulo ng bansa. Maging si reelectionist Senator Sonny Angara ay suportado rin si Mayor Sara sa pagkapangulo dahil ngayon pa…
Read MoreKASO LABAN SA DOE, PINAG-IISIPAN NG BAYAN MUNA
Pinag-iisipan ng Bayan Muna na kasuhan ang Department of Energy o DOE sa pagpapabaya nito sa kanilang tungkulin na panagutin ang mga oil company sa kanilang mga dagdag-presyo. Imbes na protektahan ang interes ng mga Filipino ay tila sila ay nagiging tagapagtanggol na lamang ng mga pagtaas ng presyo ng petrolyo. Isang matibay na halimbawa nito ay ang hindi nila paglalabas ng memo ukol sa Unbundling of Oil Prices. Matagal nang may memo ang DOE na Unbundling of Oil Prices, na hanggang ngayon ay hindi nila inilalabas. Ang “unbundling” o…
Read MoreRECYCLED NA KASO NG MULTIPLE MURDER
Nakatala na sa kasaysayan ng Communist Party of the Philippines ang mga serye ng kampanya para linisin ang kanilang hanay ng mga pinaghihinalaang ahente o infiltrator ng Armed Forces. “Kampanyang Ahos” ang tawag sa internal na purgahan sa hanay ng CPP at New People’s Army sa Mindanao noong maagang bahagi ng dekada 80 at umabot ang nasabing kampanya sa Eastern Visayas partikular sa lalawigan ng Leyte noong 1985 kung saan malakas din ang kilusang rebolusyonaryo. Noong 1989 ay nagkaroon din ng purgahan ng CPP sa Metro Manila at Southern Tagalog…
Read MoreMABAGAL NA KATARUNGAN PARA SA ‘MORONG 43’
MAHIGIT siyam na taon na rin ang nakakalipas mula nang arestuhin ng mga elemento ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army ang isang grupo ng mga doktor at health workers sa isang resort sa Morong, Rizal sa hinalang mga miyembro ito ng New People’s Army. Pebrero 6, 2010 nang arestuhin ng 2nd ID ang tinawag na “Morong 43” na pinaratangan ng militar na mga rebeldeng komunista na dumadalo sa isang seminar kung paano gumawa ng bomba at iba pang uri ng pampasabog. Sumailalim sa matinding interogasyon at pananakot ang 43…
Read More