PEKENG KRISIS SA TUBIG

SIDEBAR

GALIT si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga maya­yaman na mga water concessionaires na kanyang sinisisi sa pekeng krisis sa tubig sa anyo ng manipulasyon sa mga balita hinggil sa umiiral na kakulangan sa supply ng tubig. Inihayag ito ng pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bukidnon kama­kailan kung saan niya sinabi na wala talagang umiiral na krisis sa tubig at ang nararanasang “water shortage” ay bilang pagkondisyon sa isipan ng mamamayan na kailangang magtaas ng presyo ng tubig kapalit ng magandang serbisyo. Ito ang sabi ng pangulo: “They didn’t…

Read More

ESTRATEHIKONG PROGRAMA SA MGA ATLETANG PINOY

SIDEBAR

Pilipinas ang host country ng 30th Southeast Asian Games na magaga­nap sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa may 39 na game venue sa Subic Freeport, New Clark City, Tagaytay at Metro Manila. Huling nag-host ng SEA Games ang Pilipinas noong 2005 at sa 2019 SEAG ay 56 na sports at 523 events kung saan inaasahang hahakot ng mga medalyang  ginto ang mga atletang Filipino para muling makuha ang pagiging Top 3 sa medal tally. Philippine Sports Commission ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na nag-aalaga sa mga manlalarong Filipino at…

Read More

PROBLEMA NG PAMAHALAAN ANG MGA WATER CONCESSIONAIRES

SIDEBAR

Noong Marso ay umani ng batikos ang Manila Water Company Inc. na pag-aari ng mga Ayala dahil sa kakulangan ng supply ng tubig sa mga sakop nitong lugar sa Eastern zone ng Metro Manila kabilang na ang ilang siyu­dad at ba­yan sa lalawigan ng Rizal. Kung hindi pa ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapakawala ng tubig mula sa Angat Dam sa Bulacan ay sobrang hirap sana ang dinanas ng mga nakatira sa Eastern at Southern Metro Manila dahil sa palpak na serbisyo ng Manila Water. Ngayon naman ay pinoproblema…

Read More

RULES OF ENGAGEMENT

SIDEBAR

Pinaninindigan ng lide­rato ng Philippine National Police na isang lehitimong operasyon ng Negros Oriental police provincial office ang 30 magkakahiwalay na raid noong Marso 30 na naresulta sa pagkamatay ng 14 na magsasaka at pagkakadakip ng 12 iba pa. Subject ng arrest warrant ang 26 na katao na saying target ng police operation na isinagawa sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod ng Canlaon at mga munisipalidad ng Manjuyod at Santa Catalina sa Negros Oriental. Ayon kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde, armado ang 14 na subject ng search warrant na …

Read More

NARCO-LIST NG MGA PISKAL AT HUWES

SIDEBAR

Matapos ihayag na 31 aktor at aktres na nasa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency, sinabi naman ngayon ni PDEA Director-General Aaron Aquino na kabilang sa kanilang narco-list ang 13 judges at 10 prosecutors. Hindi pinangalanan ng PDEA ang 13 judges na malamang na mga huwes ng Regional Trial Courts na siyang humahawak ng mga drug cases. Nasa ilalim ng administrative control ng Korte Suprema ang mga RTC judges at nasa interes ng mataas na hukuman na malaman kung sino ang mga ito para makapagsagawa ito ng imbestigasyon. Maging si…

Read More

MATAGALANG DIGMANG BAYAN AT MAILAP NA KAPAYAPAAN

SIDEBAR

Ngayong araw na ito, Marso 29, ang ika-50 ani­bersaryo ng New People’s Army (NPA) na itinatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) noong 1969 mula sa mga labi ng mga armado ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB) na pinamumunuan ni Bernabe Buscayno na mas kilala bilang Kumander Dante. Ang pagkakatatag ng NPA ang nagsilbing hudyat ng paglulunsad ng armadong pakikibaka bilang pangunahing anyo sa ilalim ng pambansa-demokratikong rebolusyon na isinusulong ng CPP mula nang maitatag ito noong Disyembre 26, 1968. Hanggang ngayon ay pinanghahawakan pa rin ng CPP ang…

Read More

FIRE PREVENTION MONTH

SIDEBAR

MAGTATAPOS na ang buwan ng Marso kung kailan ginugunita ang Fire Prevention Month at gaya ng mga nakalipas na Marso ay parating tumataas ang insidente ng sunog sa pagsisimula ng nasabing buwan. Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit tuwing Marso ginaganap ang Fire Prevention Month at ang simpleng sagot dito ng Bureau of Fire Protection (BFP) ay ito ang simula ng buwan ng tag-init kung kailan marami ang guma­gamit ng bentilador at iba pang appliances na nagbibigay ng lamig. Isinabatas ang Fire Prevention Month sa pamamagitan ng Proclamation Number 115-A…

Read More

KIDNAPPING SA CASINO

SIDEBAR

Sa depinisyon ng mga alagad ng batas, ang krimen ng kidnapping ay palaging may ransom na hinihingi sa pamilya o kamag-anakan ng kanilang biktima na kadalasan ay mga mayayamang negosyanteng Filipino-Chinese na bukod sa madaling takutin ay mabilis ding magbayad ng ransom money. Kaya nga nakasama sa heinous crime ang kidnap-for-ransom at kabilang ito sa mga krimen na may kaparusahang kamatayan bago ito binawi ng Kongreso sa utos ng pangulo noon na si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo. Sa kasalukuyan ay may malaking uri ng kidnapping na nangyayari sa mga casino sa…

Read More

ARTIPISYAL NA KRISIS SA TUBIG

SIDEBAR

Marso 6 nang magsimulang mawalan ng tubig sa east zone ng Metro Manila na sineserbisyuhan ng Manila Water na pag-aari ng mga Ayala at umaabot sa 1.2 milyong kabahayan (households) ang sakop ng operasyon ng naturang kompanya ng tubig. Kabilang sa mga apektadong lugar ang mga lugar sa Eastern at Southern Metro Manila kung saan kasama ang mga siyudad ng Mandaluyong, Pasig, Marikina, San Juan, Makati, Pasay, Muntinlupa, Parañaque at Las Piñas. Kasama na rin sa sineserbisyuhan ng Manila Water ang mga bayan ng Binangonan, Angono at Baras sa lalawigan…

Read More