ELECTION “hot spot” ang tawag ng Commission on Elections (Comelec) at Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na may kasaysayan ng karahasang politikal at puwedeng maging madugo sa panahon ng kampanya kung kaya inilalagay sa Comelec control ang mga nasabing lugar. Sa kasalukuyang kampanya para sa halalan sa Mayo 13, hindi na simpleng election “hot spots” lang ang tawag ng PNP at sa halip ay gumagamit na sila ng color-coding scheme para sa klasipikasyon sa mga natu-rang lugar mula panahon ng kampanya hanggang araw ng eleksyon sa Mayo 13.…
Read MoreTag: SIDEBAR
PAGLIPAT NG SENADO SA BGC
NAGSIMULA na ang kampanya noong Martes (Pebrero 12) para sa mga tumatakbong senador at ilan sa mga 70 kandidato ay naniniwala na sila ay mananalo sa halalan sa Mayo 13. May nakapagbulong sa atin na isang senatorial candidate mula sa Min-danao ang tila sigurado na sa kanyang pagkapanalo dahil ngayon pa lang ay nagpaplano na itong bumili ng isang condominium unit sa Bonifacio Global City o BGC. Kilala bilang commercial and business district ang BGC at alam ng mga negosyante kung gaano kamahal ang mga condominium unit sa naturang lugar…
Read MoreSPECIAL ASSISTANT TO THE PEOPLE
Dating “special assistant to the president” si SAP Christopher Lawrence “Bong” Go at kabilang sa kanyang trabaho noon sa Malacañang ang pagiging kalihim ng presidential management office kung saan dumadaan lang lahat ng presidential appointees sa pamahalaan. Nagbitiw si Bong Go bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte nang maghain ito ng certificate of candidacy bilang senador at ngayong araw na ito (Pebrero 12) ang simula ng 90-araw na kampanya para sa mga tumatakbong senador at party-list representatives. Nagkaroon ng bagong kahulugan ang SAP ni Bong Go na ang…
Read More‘HIDDEN AGENDA’ SA AWAYAN NINA CONG. ANDAYA AT SEC. DIOKNO
Mukhang walang planong tumigil si Camarines Sur Congressman Rolando Andaya Jr. sa kanyang pagbatikos kay Secretary Benjamin Diokno ng Department of Budget and Management. Sa kanyang pinakahuling banat, inakusahan ni Andaya si Diokno ng “panunuhol” sa Mababang Kapulungan sa halagang P40 billion kapalit ng pagtahimik ng mga kongresista sa isyu ng P75 billion na “insertions” sa panukalang 2019 budget. Si Andaya ang chairman ng House appropriations committee at kanyang sinabi na nangyari ang panunuhol sa kanya ni Diokno sa isang lunch-meeting na si DBM Undersecretary Mina Pangandaman ang nag-arrange. Dating…
Read MoreMAS ASTANG-DIKTADOR SI GMA
Sa mga hindi nakakaalala kung paano naging-astang diktador si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo nang pangulo pa siya ng “matatag na Republika,” kailangan lang balikan ang kanyang Executive Order No. 464 na unang ipinalabas noong kainitan ng “Hello, Garci” scandal noong 2005. Matapos pumutok ang isyu ng “Hello, Garci” ay nagkaroon ng imbestigasyon ang Senado pero bago pa man nito maipatawag ang mga opisyal ng administrasyong Arroyo na dawit sa iskandalo ay inilabas ng Malacañang ang E.O. 464 na nagbabawal sa mga miyembro ng ehekutibo na dumalo sa mga imbestigasyon nang walang…
Read MoreIMPERYALISMO SA VENEZUELA
Sa kauna-unahang pagkakataon, inihayag ni US President Donald Trump ang posibilidad na magpadala ng mga tropang Amerikano sa bansang Venezuela sa gitna ng matinding krisis-pampolitika na kinakaharap ng gobyerno ng sosyalistang si Pangulong Nicolas Maduro. Kung mangyayari ang sinasabing interbensyong militar ni Trump ay malinaw na isang tunay na imperyalista ang Estados Unidos na ang tanging pinangangalagaan ay ang kanilang pang-ekonomiya at pampolitikang interes sa Venezuela. Suportado ng US si National Assembly President Juan Guaido na una nang nagpahayag na siya ang interim president ng Venezuela at namumuno ngayon sa…
Read More