TRABAHO SA OFWs SINIGURO NG GOBYERNO

HANDA ang gobyerno na tulungan ang 250,000 overseas Filipino workers (OFWs) na muling makapagtrabaho sa ibang bansa matapos umuwi ng Pilipinas dulot ng epekto ng COVID-19.

Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III, bukas ang kanilang tanggapan na tulungan ang sinomang repatriated OFWs na nais muling makapag- hanapbuhay sa ibang bansa.

Sa katunayan, ayon sa Kalihim ay mayroon pang open markets o mga alternative markets para masiguro na matutulungan ang mga ito ng pamahaalan para muling ma-deploy sa ibayong-dagat.

Para naman aniya sa mga ayaw nang magtrabaho sa ibang bansa ay mayroong inisyal na mga cash assistance at livelihood programs ang DOLE para sa mga ito sa ilalim ng National Reintegration program ng departamento. (CHRISTIAN DALE)

116

Related posts

Leave a Comment