Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus o USB ang nagbisto sa umano’y ‘troll campaign’ operations na inilunsad ng grupo ng mga batang technology savvy laban sa natalong pulitiko ng nabanggit na lungsod noong halalan 2019.

Ang 29 anyos na lider ng nasabing “technophiles” ay isa na ngayong political affairs officer ng Pasig City government at pinangambahan na patuloy pa rin sa trabaho nitong administrator ng ‘troll page’.

Sinabi ni Nep Castillo, ang reporter ng Pasig-based news website na BRABO NEWS na natanggap nya noong October 30, 2024 ang isang parcel na naglalaman ng naturang USB kung saan nakadetalye umano ang “troll campaign” operations laban sa pamilyang Eusebio na nakalaban ni Mayor Vico Sotto noong 2019 local elections.

Nakapaloob sa nasabing USB ang umano’y binuo na sanga-sangang kaugnayan ng naturang political affairs officer sa troll campaign gamit ang social media.

Ang umano’y troll campaign operation ay nagsimula pa noong 2019 nang unang tumakbo sa pagka-alkalde ng Pasig si Mayor Vico Sotto kung saan pinuntirya nito ang dating administrasyon ni Mayor Bobby Eusebio.

Nakapaloob pa sa portable document format, o PDF file sa USB, ang mga ginamit na iba’t ibang social media pages, at kapag may violations umano ay dinideklara ito ng ‘page restrictions’ ng social media company at kaagad na magpapalit ng panibagong page.

Makikita rin sa nasabing dokumento na gumamit ng dummy accounts ang nasabing political affairs officer ng Pasig City government, ngunit obyus naman na lumitaw ang email address ng nasabing empleyado para sa payment option nito.

Lumilitaw na ang nasabing email address ay lehitimong pagmamay-ari ng nasabing political affairs officer dahil ito rin ang ginamit nito sa isang LinkedIn public account.

Kalakip rin sa nasabing dokumento ang mga “resibo” na sa katunayan ay siya ang nagbabayad ng mga umano’y troll operations sa loob ng tatlong taon, muli—gamit ang dummy accounts ngunit lehitimong email address.

Batay pa sa nasabing file, makikita rin ang ginamit na address ng nasabing empleyado na siya ring address na nakarekord sa LinkedIn account nito.

18

Related posts

Leave a Comment