INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na makasaysayan ang resulta ng voters turn-out sa Bicol Region.
Ito ay dahil sa datos ng Comelec, sa mahigit apat na milyong rehistradong botante sa nasabing rehiyon ay umabot sa 3.4 milyon ang nakaboto na katumbas ng 85.12% voters turn-out.
May pinakamaraming bumoto sa Albay, sinundan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.
Kumpiyansa naman ang Comelec na matatapos ngayong araw ang canvassing ng mga Certificate of Canvass o COC.
Tapos na rin ang transmission ng COC ng district at provincial, Special Geographic Area at Local Absentee Voting.
Samantala, 7 COC na lamang ang hinihintay mula sa overseas voting kabilang na ang mula sa Portugal, Pakistan, Egypt, Iran, Russia, South Africa at Poland.
Ang proklamasyon sa mananalong mga kandidato ay magsasabay-sabay na lamang upang hindi na magsagawa pa ng partial proclamation.
(JOCELYN DOMENDEN)
