WALA PANG KATIYAKAN SA CIF NI VP SARA

WALA pang kasiguraduhan na burado na ang confidential funds ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na umaabot sa P650 million sa ilalim ng 2024 national budget.

Ito ang inamin ni House deputy minority leader France Castro dahil bagama’t may joint statement ang mga political party leader sa Kamara na ililipat ang confidential funds ni Duterte at iba pang ahensyang walang kinalaman sa national security sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), wala pa ito sa papel.

“Bagama’t meron tayong partial victory, hindi pa natin ito nasisiguro na sigurado na talagang tatanggalin nga itong mga confidential funds. Wala pa tayong nakikita na written, nakasulat kung papaano ito ire-reallocate,” ani Castro.

Dadaan pa aniya ang national budget sa Senado at saka maghaharap ang mga kinatawan ng dalawang kapulungan sa Bicameral conference committee kaya kailangan aniyang ipagpatuloy ang pagbabantay.

P2.7-B intel ni Sara
ikinaalarma sa Kamara

Samantala, ikinaalarma naman ni Castro ang natuklasan na umaabot sa P2.697 billion ang ginastos ni Duterte na confidential funds sa loob ng anim na taong pagiging mayor nito ng Davao City bago naging Bise Presidente.

“Perhaps this is why Vice President Sara Duterte is so eager to have a confidential fund in her national office, as she may have become accustomed to such a practice during her time as mayor of Davao,” ani Castro.

Base sa mga report, mula sa P144 million na confidential fund ng Davao City government noong 2016 ay pinalobo ito sa P293 million noong 2017; P420 noong 2018 at P460 million kada taon mula 2019 hanggang P2022 kaya umaabot ito ng P2.697 billion sa loob ng dalawang termino nito bilang mayor ng siyudad.

Mas malaki aniya ito sa confidential funds na ginagastos ng mayayamang lungsod sa bansa tulad ng Makati, Maynila, Quezon City at Cebu City.

Dahil dito, hiniling ng mambabatas sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng imbestigasyon dahil karapatan ng taumbayan na malaman kung papaano ginamit ni Duterte ang kanilang buwis.

“If it is found that the fund was not spent in accordance with the guidelines, the money should be returned and appropriate charges should be filed,” ani Castro.

(BERNARD TAGUINOD)

384

Related posts

Leave a Comment