WANTED SA ZAMBOANGA, NABITAG SA MAYNILA

NAHULOG sa bitag ng mga operatiba ng Directorate for Investigation and Detective Management Division ng Manila Police District (DIDMD), ang isang 30-anyos na construction worker na suspek sa isang kaso, nang matunton ito sa Recto Mall sa CM Recto Avenue sa Maynila noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas “Oding”, binata, ng Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan.

Ayon sa ulat ni Police Major Dave Garcia, hepe ng Warrant Investigation Section, na pinangasiwaan ni Police Colonel Orlando Mirando Jr., hepe ng DIDMD, bandang alas-3:30 ng hapon nang maaresto ang pakay sa ikinasang operasyon sa nabanggit na lugar, ni Police Major Jaycel Cabarrubias ng San Pablo MPS, Zamboanga Del Sur, matapos na inguso ng isang impormante.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Jaime Caberte, ng Regional Trial Court, Branch 9 ng Pagadian City, dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004). (RENE CRISOSTOMO)

141

Related posts

Leave a Comment