TULAK TIKLO SA P.3-M SHABU

ARESTADO ang isang umano’y tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng mahigit sa P.3 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang drug buy-bust operationg mga pulis sa Malabon City, nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon Police chief, P/Col. Jessie Tamayao ang suspek na si Allan Varga, 33, ng #276 Morong St., Maypajo, Brgy. 30, Caloocan City.

Batay sa ulat, bandang alas-3:45 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Capt. Johnny Baltan, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Tamayao, ang buy-bust operation kontra sa suspek sa Governor Pascual Avenue, Sitio Sto. Niño, Brgy. Concepcion, Malabon City.

Matapos tanggapin ng suspek ang P1,000 marked money mula sa isang undercover police na umaktong poseur buyer, kapalit ng isang sachet ng shabu, ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.

Nang kapkapan, nakumpiska sa suspek ang sampung plastic sachets na naglalaman ng tinatayang 45 gramo ng shabu na P306,000 ang street value. (FRANCIS SORIANO)

 

194

Related posts

Leave a Comment