Listahan binigay kay former ES Vic PAG-EPAL NI FL LIZA SA GOV’T APPOINTMENTS BISTADO

PINATOTOHANAN ng unang executive secretary ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapel ni First Lady Liza sa appointments sa gobyerno. Ayon kay former ES Vic Rodriguez, binigyan siya ng listahan noon ng pangalan ng mga taong nais ilagay sa posisyon ni FL Liza. Nauna nang itinanggi ni FL Liza na sangkot siya sa pagtatalaga ng mga government official dahil trabaho aniya ito ng Pangulo. Sinabi naman ni Rodriguez na mahihirapan ang Marcos admin na itanggi ang bagay na ito lalo’t hindi lang naman siya ang nakakaalam patungkol dito. Kabilang umano…

Read More

DAGDAG-SAHOD SIGAW SA LABOR DAY PROTEST

MARIING iginiit ng mga grupo ng mga manggagawa at iba pang organisasyon sa isinagawang kilos-protesta sa Metro Manila nitong Labor Day, ang panawagan para sa pagtataas ng sahod. Nabatid na nagtipon-tipon ang mga manggagawa at nagprotesta sa iba’t ibang lugar tulad ng España Boulevard at Recto Avenue sa Maynila gayundin sa Mabuhay Rotonda sa Quezon City at nagpaplanong magmartsa patungong Mendiola. “Ang pinapanawagan namin talaga legislated wage increase. Kailangan na ng manggagawa ng dagdag. Masyadong naiiwan ang sahod,” ayon kay Workers for People’s Liberation (WPL) Secretary General Primo Amparo. “Partikular,…

Read More

Publiko dismayado kay Sen. Bato BBM TOTOONG NASA PRE-OPS NG PDEA – FORMER AGENT

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) DISMAYADO ang mga netizen kay Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa dahil tumutok ang pagdinig nito sa Senado sa nag-leak na pre-operation report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa halip alamin ang katotohanan sa alegasyong gumamit ng ilegal na droga si Pangulong Bongbong Marcos. Ito ay kahit pa pinatotohanan ng dating PDEA agent ang pre-ops report. Nauna nang pinanindigan ng dating PDEA agent na si Jonathan Morales ang dokumento, katunayan ay siya mismo aniya ang nakapirma roon. Sa pagdinig noong Martes ng Senate committee on dangerous…

Read More

PAGPAPALAWIG SA KONTRATA NG COS, JO WORKERS PINABORAN NI NOGRALES

(JOEL AMONGO) PABOR ang chair ng House of Representatives’ labor and employment committee sa hakbang ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na palawigin ang kontrata ng mga contract of service (COS) at job order (JO) workers sa gobyerno na nakatakdang magtapos ngayong Disyembre. “Napakaagang pamasko ito para sa ating mga COS at JO sa pamahalaan. Marami-raming mga kababayan natin ang makikinabang sa direktibang ito. Ngayon, makapagtatrabaho sila nang walang pangamba na pagkatapos ng taon ay mawawalan sila ng kabuhayan,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles. Ang hakbang ng Pangulo…

Read More

2.4M PINOY NAGPAREHISTRO NA SA 2025 POLLS

UMABOT na sa mahigit 2.4 milyong Pilipino ang nagsumite ng mga aplikasyon bilang mga bagong rehistradong botante para sa May 2025 midterm polls. Sa pinakahuling datos ng Commission on Elections (Comelec), mayroon nang 2,473,922 indibidwal na naghain ng kanilang mga aplikasyon mula nang simulan ang pagpapatuloy ng mga aktibidad sa pagpaparehistro noong Pebrero 12 hanggang Abril 29. Sa isang panayam noong Martes, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, ang mga numerong ito ay nagpapahiwatig na sila ay “nasa tamang landas” sa pagkamit ng kanilang target na 3 milyong voter…

Read More

PAGREBISA SA MAGNA CARTA FOR PUBLIC SCHOOL TEACHERS, MULING IGINIIT

KASABAY ng pagdiriwang ng Labor Day, muling nanawagan si Senador Gatchalian sa pagsasabatas ng kanyang panukalang Revised Magna Carta for Public School Teachers o Senate Bill No. 2493 na nagtataguyod ng kapakanan ng mga guro. Layun ng panukala na amyendahan ang Magna Carta for Public School Teachers na isinabatas 57 taon na ang nakalilipas. Kabilang sa mga isinusulong ang pagbibigay ng calamity leave, educational benefits, at longevity pay sa mga guro. Nakasaad din sa panukala ang mga kondisyon sa pagbibigay ng special hardship allowance, pinaigting na criteria sa sahod, at…

Read More

BARMM ELECTION TULOY NA

IKINATUWA ng Muslim congressmen na sa wakas ay matutuloy na ang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at magkakaroon na ng pagkakataon ang Bangsamoro na maghalal ng mga lider na mamumuno sa kanila. “Ang Bangsamoro ay para sa Bangsamoro, hindi lamang para sa iilan. Panahon na para ang mamamayan ang sumulat ng kanilang kasaysayan. Walang tunay na demokrasya kung wala sa kamay ng mamamayan ang pagpili ng kanilang mga pinuno,” ayon kay House Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos…

Read More

M-CAVITEX OPERATION IBALIK NA SA GOBYERNO

BINIGYANG-DIIN ng Public Estates Authority Tollway Corporation o PEATC, na kailangan nang maibalik sa kanilang Kontrol ang operasyon at pangongolekta sa Manila Cavite Expressway Project o M-Cavitex. Sa isang press conference sa Maynila, iginiit ni Dioscoro Esteban Jr., ang OIC ng PEATC, ang karapatan nila na pangasiwaan ang toll road na nag-uugnay sa Katimugang Metro Manila sa Cavite. Nilinaw rin ni Esteban na operasyon lang ang ipinasa sa kanila ng Metro Pacific Corporation at hindi kasama ang pangongolekta ng tollway kaya nais nila itong maibalik sa kanilang pangangasiwa Ito rin…

Read More

64-ANYOS LOLA HINALAY, PINATAY NG BINATILYO

LAGUNA – Patay ang isang 64-anyos na lola matapos halayin at bugbugin umano ng isang binatilyo sa Brgy. San Marcos, San Pablo City. Kinilala ang biktimang si “Lola Emilia”, taga Brgy. Sta. Maria Magdalena, San Pablo City, natagpuang walang pang-ibabang saplot habang nakabulagta sa tabi ng puno ng saging. Halos nakahubad na rin ang pang-itaas na damit nito. Ayon sa isang testigo, dakong alas-8:00 noong Linggo ng gabi nang makarinig siya ng ingay na nagmumula sa hindi kalayuan sa kanilang barracks sa kanyang pinagtatrabahuhang construction site. Nang kanyang tingnan, nakita…

Read More