11 PATAY SA 3 CITIES SA CAMANAVA

MULING nakapagtala ng 11 bagong namatay sa COVID-19 ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Valenzuela noong Abril 10.

Ayon sa ulat, anim ang bagong namatay sa Caloocan City at lumobo sa 1,558 ang active cases. Sumampa na sa 20,776 ang active cases sa lungsod, kung saan 18,611 na ang gumaling at 607 na ang namatay.

Apat naman ang patay sa Valenzuela City at 924 ang active cases matapos na 160 ang magpositibo at 381 ang gumaling.

Umakyat na sa 14,413 ang active COVID cases sa lungsod, at sa bilang na ito ay 13,137 na ang gumaling at 352 na ang namatay.

Pumanhik naman sa 353 ang COVID-19 death toll sa Malabon matapos na isang pasyente ang namatay.

Habang 174 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 10,600 ang positive cases sa Malabon, 794 dito ang active cases.

Umabot naman sa 374 ang mga pasyenteng gumaling. Sa kabuuan ay 9,453 na ang recovered patients sa siyudad.

Habang isinusulat ito ay wala pang inilalabas na update sa COVID-19 cases sa kanilang lungsod ang Navotas. (ALAIN AJERO)

179

Related posts

Leave a Comment