MAKULIT NA LASING PATAY KAY KUYA

BATANGAS – Bunsod ng kakulitan nang malasing, napatay ng isang lalaki ang nakababatang kapatid makaraang pagbabarilin sa Barangay Bulihan, sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Felixberto Bautista, 63, ilang beses na binaril ng kanyang nakatatandang kapatid na si Pedro, 68, gamit ang isang .38 revolver.

Ayon sa report ng Nasugbu Police, dakong alas-9:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa bahay ng suspek.

Ayon kay P/Maj. Jun Bautista, hepe ng pulisya, lasing umano ang biktima nang sinuntok ang suspek na sa ikalawang pagkakaton ay hindi na nakapagtimpi kaya nagbunot ng baril at pinaputukan ang kapatid.

Napag-alaman, sa nakaraang gabi bago ang krimen, lasing din ang biktima nang dayuhin at inaway ang kapatid ngunit nakapagtimpi ang huli.

Agad namang nadakip ang suspek na nahaharap sa kasong homicide. (NILOU DEL CARMEN)

463

Related posts

Leave a Comment