1,627 NAKAPASA SA PNPA ADMISSION TEST

UMABOT sa 1,627 police applicant lamang ang nabigyan ng pagkakataon para sa humigit kumulang na 350 slots para maging kadete ng Philippine National Police Academy, ang pamosong law enforcement institution sa Pilipinas, matapos na makalusot sa initial qualifying exam.

Nabatid na 7.68 percent lamang o 1,627 ng kabuuang 21,179 examinees para sa cadetship ng PNPA, ang nakapasa sa katatapos na Philippine Police Academy Cadet Admission Test (PNPA-CAT).

Ginanap ang PNPA-CAT noong Nobyembre 8 hanggang 9 sa 27 testing centers sa buong bansa at makalipas ang isang buwan ay inilabas na ang resulta ng pagsusulit.

Ayon sa PNPA, ang 21,179 applicants ay binubuo ng 18,153 registered at qualified applicants at 3,026 walk-in examinees.

“A total of 1,627 applicants successfully passed and will proceed to the next phase of the admission process,” ayon sa PNPA.

Ang susunod na yugto sa admission process para sa mga nakalusot sa PNPA-CAT ay screening stage na kinabibilangan ng serye ng medical at physical examination background check, bago sila sumailalim sa interviews at oath-taking ceremony.

Sinasabing kadalasan ay nasa 350 cadets lamang ang pinapapasok ng police academy kada taon.

(JESSE KABEL)

101

Related posts

Leave a Comment