TOBACCO-FREE PUSH: ANIM NA PELIKULA NG KABATAAN TAMPOK SA TOBACCOFF NOW! FILM FESTIVAL

ANIM na pelikulang likha ng kabataan ang tampok sa TobaccOFF NOW! Film Festival na ginanap ng Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Sabado, Disyembre 13. Dumalo sa kaganapan ang mga guro, health officials, policymaker, media representatives, at youth advocates upang talakayin ang lumalalang epekto ng paggamit ng tabako at vape sa mga mag-aaral sa bansa.

Inorganisa ng Amber Studios katuwang ang MMDA, MMFF, at ilang advocacy groups, nagsilbing plataporma ang festival para itaguyod ang adbokasiya sa pampublikong kalusugan sa pamamagitan ng kabataan. Bahagi ito ng mas malawak na pambansang kampanya na nagbibigay-kapangyarihan sa kabataan na gamitin ang pelikula upang hamunin ang mga taktika ng industriya, hubugin ang kultura, at itaguyod ang mas may kaalamang pagpili sa kanilang mga kapwa kabataan.

(DANNY BACOLOD)

104

Related posts

Leave a Comment